lara's POV
grabe talaga tong kaibigan ko, sobrang hilig sa galaan. nandito tuloy kami sa luneta park, ayoko pa naman sanang gumala ngayon ehh kaso nagmakaawa talaga tong kaibigan kong si danica, kapag ito pa naman ang nakiusap ehh hindi ko matiis.
"uy best picturan mo naman ako dito sa may dancing fountain."
pakiusap ni danica, kinuha ko naman ung camera niya at pinicturan siya
habang pinipicturan ko si danica ay bigla nalang nahagip ang tingin ko sa isang lalaki na nakatingin sa fountain na nasa kabilang dulo. may kasama itong 5 lalaki na nakaamerikana at panay ang tingin sa paligid, hindi kaya mga bodyguard niya un? pero grabe naman kalalaking tao tapos mamamasyal lang sa park eh kailangan pa ng bodyguard? hindi naman halata na mayaman siya, baka naman may gustong pumatay sa kanya kaya kailangan niya nun, hay naku ewan, ang hilig ko talagang mangialam ng buhay ng iba.
shocks! bigla na lang akong napatalikod ng bigla siyang tumingin sa akin, nakita niya kaya akong nakatingin sa kanya? lara naman kasi bakit kaba tingin ng tingin sa ibang tao, baka mamaya iba ang isipin nun.
"hoy best, ano bang nangyayari sa iyo? bakit parang nakakita ka ng multo? sino ba ung tinitingnan mo doon?"
lilingon na sana si danica sa kinaroroonan nung lalaki pero pinigilan ko siya.
"huwag mo ng tingnan" at pinandilatan ko si danica para malaman niyang seryoso ako.
"bakit naman? sino ba kasi un hah?"
"ung lalaking nakablack coat at red shirt na nakatingin dito tapos may kasamang 5 bodyguard, huwag kang pahalata ng tinitingnan mo siya hah"
"ahh ung gwapo"
"gwapo?"
tiningnan ko naman ulit, buti na lang at hindi na nakatingin sa side namin. oo nga pala, gwapo ung lalaki, pero parang may halong ibang lahi.
"kilala mo ba un?"
"hindi ehh, nakita ko lang tapos biglang napatingin dito, sa tingin mo nakita kaya ako nun na nakatingin sa kanya?"
"aba malay ko, ikaw naman kasi, titig ng titig sa ibang tao, baka mamaya akalain ka nun na Stalker ka niya, may dala ka pa namang camera"
"oo nga ehh, tara alis na tayo dito"
"ano ba yan, sayang naman aalis na agad tayo?"
"tara na!, kapag yan pinagkamalan nga akong stalker at pinahuli ako, idadamay kita!" hindi ko alam kung bakit kami takot na takot pero para kasing may nilalabas na kakaibang aura yung lalaki at dun pa lang malalaman mo na na hindi mo dapat siya banggain, tapos may kasama pa siyang mga bodyguard kaya kung pagtripan kami nung mga yun, wala kaming kalaban laban, so better stay out of the way na lang.
"sige na nga, ito naman"
clark's POV
hindi ko akalaing ganito ang mangyayari sa buhay ko, lintik na CRODBLE na yan eh.
paano ko kaya sasabihin sa kanya ang lahat?, wala pa naman siyang background tungkol dito. ayoko siyang mahirapan pero siya lang talaga yung pwede kong piliin. mabait, mapagmahal at matapang na babae, siya lang ang may katangian ganun sa kanilang lahat. papayag kaya siya?
"master clark, nandito na po tayo" sabi ng body guard ko
nandito ako ngayon sa luneta park, sabi kasi sa akin ng source ko eh nandito daw siya, balak ko ng sabihin sa kanya ang lahat ngayon, wala na akong oras.
kasama niya pala yung kaibigan niya, tapat din siyang kaibigan, kung tutuusin ay napakaswerte ko sa kanya pero paano kung hindi siya pumayag? hay, bahala na nga. nandito sila sa may fountain, magiisip muna ako ng way para sabihin sa kanya ang lahat, dapat ipaliwanag ko sa kanya ng mahinahon baka kasi kung ano ano pa ang sabihin nun sa akin, baka isipin nya na baliw ako.
teka, nakatingin siya dito. ano ang gagawin ko? lalapitan ko na ba siya? sasabihin ko na? teka, tinitingnan ba nila ako, mukha ngang pinaguusapan nila ako eh, ano kaya ang first impression niya sa akin? sa tingin ba niya masyado akong mayabang? o gwapo? hehe ewan, hindi naman siya mahilig sa gwapo ehh, iba siya, kahit na maganda siya hindi niya pinapahalagahan ung panlabas na anyo ng isang tao, at isa pa iyon sa nagustuhan ko sa kanya.
kasama ko ang mga bodyguard ko ngayon kasi baka mamaya bigla na lang tumakbo si lara na hindi ko man lang natatapos yung sinasabi ko sa kanya, baka magpumiglas siya at wala akong balak na makipag habulan sa kanya kaya sinama ko na ang mga body guard ko, pero teka, saan sila pupunta? kakarating pa lang nila ahh, hindi pwede kailangan ko pang sabihin sa kanya yun, hay naku clark, pabagal bagal ka kasi eh.
papuntahin ko na lang kaya siya sa bahay? si mr. mark escobal na lang ang mageexplain baka sa kanya mas maniwala siya, sige yun na lang ang gagawin ko, kasi pag dito sa park baka mageskandalo pa siya at pagtinginan kami ng mga tao tapos akalain pa nila na kidnaper ako, malawak pa naman ang imagination ni Lara.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen Fictionkung isa kang mahirap lang na babae tapos biglang isang araw magugulat ka na lang na kasama pala ang pamilya mo sa isang malaking organization at ikaw ang napiling pakasalan ng next successor ng organization na ito, ANO ANG GAGAWIN MO? - LARA paano...