chapter 8: matatawag na ba itong date?

133 2 1
                                    

clark's POV

"ano ba ang problema mo?" tanong niya

tinatanong pa ba kung ano ang problema ko? ang laki laki ng problema ko sa kanya, sobrang laki. hahayaan ko ba siyang makita ni dad na ganyan ang istura? baka mamaya sumbatan nanaman ako nun na mali ang pinili ko, wala naman talaga akong nagawang tama sa kanya eh. pero itong babaeng ito, kailangan talaga ng isang malaking make over, syempre dahil isa akong fashionable guy. ako na ang tutulong sa kanya, marunong naman ako sa fashion eh kahit na papaano, ako nga ang pinakagwapo sa school eh, naku yumayabang nanaman ako, pero totoo naman yun diba?. hehehe natatawa tuloy ako.

"at ano naman ang tinatawa tawa mo diyan?"

"white tshirt, pink jacket, at white skirt, nakikita mo ba ang sarili mo sa salamin? gusto mo bang magpakita sa dad ko na ganyan ang itsura? mamimili tayo ng mga damit mo mamaya para sa dinner"

"ayos naman ang damit ko ah, nakajacket ako kasi malamig sa kwarto ko, masyadong malakas ang aircon"

"huwag mo na ngang ipagmalaki sa akin ang mga damit mo"

"oo na, pupunta ako sa divisoria mamaya"

"sasamahan kita, at sa mall tayo ok?"

"ok, pero bakit ka pa sasama? kaya ko namang magshopping magisa ah"

"baka kasi ang bilhin mo ay wala na sa uso dahil sale"

"ang sama mo talaga, makaalis na nga"

bigla na lang siyang tumalikod para pumunta sa kusina at magalmusal, nauna na kasi ako magalmusal sa kanya kasi may gagawin pa ako.

"pagkatapos mong magalmusal, aalis na tayo" pahabol ko sa kanya.

"oo na"sagot niya pero hindi man lang siya lumingon.

nandito na kami sa mall, hindi na ako nagdala ng guard kasi baka mailang siya, kaya kami na lang, tutal kaya ko naman siyang protektahan eh. dumeretso na agad kami sa department store at kumuha agad ako ng mga dress na pwede niyang suotin at inihahagis ko lang sa kanya. siya naman ay hindi magkandaugaga sa kakadala ng mga damit. ang sama ko noh? hehe ang cute niya talaga

"sukatin mo yang lahat, at titingnan ko kung bagay ba"

"lahat to?"

"huwag ka ng umangal, pumunta ka na agad sa fitting room para matapos na agad to."

nakasimangot siyang pumunta sa fitting room. nagpasunod naman ako ng saleslady para asistahan siya.

lara's POV

lalabas na ba ako? huwag na lang kaya, nakakahiya eh. parang hindi bagay sa akin eh. bakit kasi ito yung mga pinipili niya, ang iikli, kahit na maputi ako, nakakahiya parin, hindi pa kasi ako nakakasuot ng ganito kaganda at kasexy na damit, masyado kasi talaga akong Conservative eh.

isang tube na dress ang suot ko, above the knee ang sukat at color yellow.

"miss, gusto na pong makita ng boyfriend niyo ang dress mo"

"hah? ah hindi ko siya boyfriend"

"ay sorry, akala ko kasi bf mo, bagay kasi kayo eh"

"heheh, ganun ba? uhm, hindi ba nakakahiya ang suot ko?"

"maam, bagay po talaga sa inyo"

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon