lara's POV
iyak
iyak
iyak
iyak
iyak
ahhhhhh
nakakainis talaga ang mga mayayaman, bakit ba hindi nila kayang respetuhin ang lahat ng mga tao, kasi pantay-pantay lang naman tayo diba?
sa halip, nangiinsulto pa sila. hindi ba alam ng papa ni clark na may pakiramdam din ako? hindi ko akalain na magiging biyanan ko iyon at kailangang pakisamahan buong buhay. grabe talaga siya!!!
pero kahit na ganun. hindi dapat ako magpatalo, kailangan kong ipakita sa kanilang lahat na kahit na mahirap ako ay may ibubuga rin ako.
kailangan kong ipakita na dapat din nila kaming repetuhin...
hindi ako susuko
go lara go!!!
nagpunas na ako ng luha at lumabas na...
"ay!!! palaka!!!"
"sinong palaka?"
"bakit ka ba nandiyan hah?"
"hinihintay ka, hindi ba obvious?"
"sino naman ang maysabing maghintay ka diyan at gulatin ako?"
"ako bakit? may reklamo?"
"tsk. tara na bumalik na tayo, baka magalit pa ang dad mo lalo sa akin, sabihin pa nun na paimportante ako"
"umiyak ka?"
"hindi, hindi, ok lang ako"
"huwag mo ngang iiyakan ung mga sinasabi ni dad, hindi siya karapat dapat para sa iyak mo, tyaka dapat masanay ka na, marami kapang matatanggap ng mga ganung salita mula sa kanya"
"wow, thank you hah, nakagaan talaga sa loob ko ung sinabi mo. sana dati mo pa sinabi para naman handa ako diba?"
"pagpasensyahan mo na lang, at huwag ka ng umiyak"
"hayaan mo na, ok na ako"
"tara na"
tapos hinila niya ako pero...
"teka, saan tayo pupunta? diba doon ung daan papunta sa table ng dad mo?"
"bakit? gusto mo pa bang makatanggap ulit ng mga masasakit na salita niya?"
"hindi syempre, pero baka kasi mas lalo siyang magalit satin"
"hayaan mo siya"
"tsk. sa kanya ka pala nagmana ng katigasan ng ulo eh, parehas na parehas kayo"
"huwag mo nga akong ikukumpara sa kanya!"
"sorry naman, galit agad?"
"nakakabad trip kasi siya eh"
"pero diba ngayon lang kayo ulit nagkita? dapat nagbobonding kayong magama ngayon, kung hindi lang siguro dahil sa akin siguro masaya kayo ngayon at hindi nagaaway"
"kakatapos lang namin magbonding"
"so, you mean? ganun kayo magbonding na magama?"
"yup"
"grabe naman"
"sanay na ako"
"pero ayos lang ba sa kanya na umalis na tayo? magpaalam muna kaya tayo?"

BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen Fictionkung isa kang mahirap lang na babae tapos biglang isang araw magugulat ka na lang na kasama pala ang pamilya mo sa isang malaking organization at ikaw ang napiling pakasalan ng next successor ng organization na ito, ANO ANG GAGAWIN MO? - LARA paano...