chapter 13: the opposites

104 0 0
                                    

"bakit ba hindi ka nagsasabi na darating ka hah?" tanong ni clark doon sa babaeng nasa pinto

"ano ka ba naman clark, hindi ka pa ba nasasanay? gusto kasi kitang palaging sinosurprise"

"dahil sa palagi mo yang ginagawa, hindi na ako nasosurprise"

"tsk. you're so KJ talaga clark" sabi nung babae tapos nagpout pa, at dahil sa attitude na pinapakita niya para tuloy siyang bata.

"para siyang bata noh?" biglang sabi ni clark sa akin, teka nababasa ba niya ang nasa isip ko?

"hah?"

"nahawa siguro siya sa anak niya kaya ayan, naging isip bata"

WOW tama ba ang narining ko? may anak na ang magandang babaeng ito? hindi halata ah mukha palang siyang dalaga

"eh matanong ko nga, sino ba siya hah?"

"ikaw ba si lara?" nagulat ako ng biglang magsalita ung babae, hindi ko man lang napansin na umupo na siya sa tabi ko.

"uhm, ako nga po"

"ahh!! you're so beautiful pala!!! ang galing mo talagang pumili clark!" biglang tili nung babae, actually napaka hyper nung babae... SOBRA

"uhm lara, meet my sister, Sandra Croft. may pamilya na yan kahit na hindi halata, hanggang ngayon kasi isip bata parin siya, hindi ko na alam kung kailan yan magmamature eh"

pakilala ni clark sa babae

"sinong sinasabihan mo na isip bata? hah!! ikaw nga dyan eh isip matanda!"

"hahaha tama po kayo" hindi ko naman mapigilang tumawa, hehehehe tama naman kasi siya eh, napakaseryoso si clark, mature na samantalang itong ate niya, opposite ni clark na katulad ko, mga isip bata.

"see, sang-ayon sa akin si lara"

"whatever" pagsuko ni clark.

hehehe ngayon may katulad na ako sa bahay kaya kawawa si clark kapag pinagsama ang kakulitan namin ng ate niya, matatalo ko na rin siya sa wakas kasi dumating na ang back up... hehehe

"uhm, matanong ko lang po kung paano niyo ako nakilala?"

"nakasalubong ko kasi si dad sa paris, nagvacation kasi kami doon ng family ko at si dad naman ay may business meeting, nung nagkita kami doon sinabi niya na nakapili na daw si clark kaya...

uhm i hope you don't mind kasi naghire ako ng investigator para malaman ang background mo at ng family mo... don't worry lahat naman ng nalaman ko ay maganda kaya boto ako para sa iyo not like my dad" nakangiti niyang paliwanag niya

"uhm, marami po sigurong nasabi ang dad niyo noh?"

"hay naku, huwag mo na lang yung pansinin, matanda na kasi kaya palaging mainit ang ulot pagpasensyahan mo na lang"

"ate, bakit ka naman ng hire ng investigator?" biglang singit ni clark habang patuloy na kumakain

"bakit ikaw din naman ah" nakapout na sabi ng ate niya

"naghire ka rin ng investigator?"

gulat na sabi ko

"eh ako kasi may karapatan, dapat kong makilala ng husto ang taong pakakasalan ko ayon na rin sa crodble, pero si ate wala!"

"eh gusto ko rin namang makilala si lara eh, tyaka gusto kitang gayahin, feeling ko kasi dahil sa ginagawa ko para akong detective"

"isip bata"

"isip matanda!!" ganti naman ng ate niya...

hilig ba talaga nila ang magaway? hay siguro ganun na ang bonding nilang magkapatid, ganun din naman kasi kami ni drew eh kaya naiitindihan ko...

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon