ang ganda ng mood ko ngayong araw...:)
bakit?
hindi ko alam eh pero sa tingin ko may kinalaman ung nangyari kagabi
siguro kung mangyayari iyon sa inyo kikiligin din kayo
hehehe lumalandi na tuloy ako...:)
ayy speaking of him... nandoon siya ngayon sa sala
pero may kausap siyang foreigner... sino naman kaya un? well hindi dapat ako makialam mukhang importante ung pinaguusapan nila eh so dadaan na lang ako ng sala para makarating na sa kusina at makapagalmusal na.
so, lakad lakad lang ng dahan dahan para hindi nila ako mapansin at hindi na maistorbo ang paguusap nila.
lakad
lakad
"uy!"
lakad
lakad
"uy!!"
lakad
lakad
"lara!!"
ay ako pala ung tinatawag... hehe hindi ko alam eh, may pangalan naman kasi ako noh bakit kasi hindi ako agad tinawag sa pangalan eh di sana lumingon ako agad unang tawag pa lang di ba?
"ako ba tinatawag mo?"
paninigurado ko
"sino pa ba ang lara dito hah?"
tsk. pilosopo
"oo na ako na, bakit ba?"
"saan ka ba pupunta?"
"sa kusina, magaalmusal ako kaya aalis na ako kasi may bisita ka pa eh, sige bye"
"ikaw ang binibisita niya kaya bisita mo siya"
"hah? akin?" tinuro ko pa talaga ang sarili ko, hindi naman kasi kapanipaniwala eh. ako? magkakaroon ng bisitang foreigner? "hindi ko nga siya kilala eh, wala akong kilalang foreigner"
isip lara, isip... tinitigan ko ng maigi ung foreigner, nasa mga late 20s ang edad niya at mukha siyang french, habang pinagmamasdan ko siya ng maigi ay nakangiti lang siya sa akin.
pero sa huli ay hindi ko talaga siya kilala eh, teka...
aha!!!
"baka naman siya yung kachat na foreigner ni danica dati? naku, lagot si danica. pero teka, bakit siya nandito? hinahanap ba niya si danica sa akin?"
"hindi!, naku naman lara heto ka nanaman"
"eh kung hindi baka taga crodble siya, bakit ano nanaman ba ang kailangan ng crodble hah?"
"hindi pa rin"
"ok sige na sirit na wala na akong maisip na dahilan kung bakit ako hinahanap ng isang foreigner na hindi ko naman kilala, sabihin mo na sa akin kung sino siya at huwag mo na akong pahulain kasi hindi naman ako manghuhula!"
"FINE, lara meet Genevieve, he is a french. nandito siya para ipakilala sa iyo ang mundo ko. kahit na nagaway kami ni dad kahapon, kailangan ko paring sundin ang gusto niya kasi kahit na papaano ay tama naman siya.
you are entering my world now lara, at sa mundo ko ay maraming taong mapanlait at mapanghusga, and i don't want you to be judged by those persons, so i am doing this for you"
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen Fictionkung isa kang mahirap lang na babae tapos biglang isang araw magugulat ka na lang na kasama pala ang pamilya mo sa isang malaking organization at ikaw ang napiling pakasalan ng next successor ng organization na ito, ANO ANG GAGAWIN MO? - LARA paano...