Lara's POV
"lara, sino siya?"
"boyfriend mo ba siya?"
"saan ba kayo nagkakilala hah?"
"ang gwapo niya naman"
"may kakilala ka pa bang gwapo? ireto mo naman ako"
"ang swerte mo naman, ang yaman ng nabingwit mo"
"magkwento ka naman"
"oo nga, magkwento ka na, sino ba siya?"
"ano nga ang pangalan niya? ipakilala mo naman kami sa kanya"
"ah-eh...hah? uhm"
grabe hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi ko alam ang sasagutin ko sa mga tanong nila. magsisinungaling ba ako o magsasabi ng totoo. eh kung sasabihin ko naman ang totoo, maniniwala ba naman sila? ano ba!!!!! ano na ang gagawin ko?!!!
"lara!!!!!!!!!!!!" teka, parang pamilyar ang boses na iyon ah "lara!!! bes!!!" tama, siya nga, ang aking bestfriend, at the same time, ang aking hero. ngayong nandito na siya sigurado ako na titigilan na ako ng mga tsismosa kong mga kapitbahay. ang tapang kasi nitong bestfriend ko eh, siya ang boss ng dito.
"hoy!!! bakit niyo pinagkakaguluhan ang bestfriend ko? tigilan niyo nga siya!" see, siya ang tagapagtanggol ko diba
"nagtatanong lang naman kami danica ehh"
sagot ng mga chismosa
"kahit na. hindi niyo dapat pinagkakaguluhan ang bestfriend ko, kaya kayo hinay hinay lang pwede?"
"ok"
"thank you bes hah, kung hindi ka dumating baka kung ano na ang nangyari sa amin dito eh, ikaw na talaga ang bestfriend ko na hero pa, ikaw ata si wonderwoman eh"
"hay nako, wala yun bes. teka ano ba kasi talaga ang nangyayari dito? at sino yang gwapong katabi mo hah? uy ikaw hah, bakit naglilihim ka sa akin? bakit hindi mo sinabi na may boyfriend ka na? ikaw hah, natututo ka ng maglihim sa akin. nakakapangtampo ka naman"
"pati ba naman ikaw, makikichismis din?"
"syempre, ayaw ko ngang mahuli sa latest news ng bes ko"
tama, siya nga si Danica Belmundo. siya ang boss dito, boss ng mga chismosa, kahit kailan talaga, hindi na siya nagbago. kaya siya sinusunod ng mga chismosa dito kasi siya ang boss nila, ang dakilang chismosa. siya lang ang wonderwoman na chismosa.
"uhm... kasi... ano..."
patay ako nito, hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya, ayaw ko namang magsinungaling sa bestfriend ko kaso, sasabihin ko ba sa kanya ang totoo sa harap ng mga chismosa naming kapitbahay, ano ang gagawin ko?
natutuliro na ako ng bigla akong inakbayan ni clark, at nagsalita...
"nakakilala kami ni lara sa isang mall 3 years ago, na love at first sight ako sa kanya kaya niligawan ko siya ang after 3 months ay sinagot niya ako. tinatago namin ang relasyong namin dahil sa magkaiba ang estado namin sa buhay, at tumagal iyon ng 3 taon. pero nung bumalik na ang dad ko mula sa states, hindi na namin naitago sa kanya, swerte kami kasi tinanggap iyon ni dad pero ang malas ay gusto na niya kaming ipakasal na agad kasi 3 years is enough na daw, he is really eager to have a grandchild so he decided to make the wedding sooner, that is why i am here to get lara's hand from her parents and to ask for the permission to marry her. at mabuti naman kasi pinayagan kami ng parents niya, so now, she is officially my fiancee"
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Jugendliteraturkung isa kang mahirap lang na babae tapos biglang isang araw magugulat ka na lang na kasama pala ang pamilya mo sa isang malaking organization at ikaw ang napiling pakasalan ng next successor ng organization na ito, ANO ANG GAGAWIN MO? - LARA paano...