chapter 33: no feelings attached

61 2 0
                                    

clark's POV

matapos ang klase ay umuwi na agad ako, alam ko namang hindi pa uuwi sa bahay ko si lara.

kakarating ko pa lang sa bahay ng may tumawag.

"hello?"

"clark! si danica to"

"oh danica, bakit ka napatawag?"

"itatanong ko lang sana kung kasama mo ngayon si lara"

"hindi, diba kayo ang magkasamang uuwi ngayon sa bahay ng mga magulang niya? bakit mo siya sa akin hinahanap?"

"ano...kasi..."

"danica tell me!! anong nangyari kay lara?!!!" this time i have noticed that there is something wrong, at nagsisimula na akong magpanik

"kasi kanina hindi sumabay sa akin si lara sa paguwi kasi may bibilhin pa siyang mga requirements, ilang oras na ang nakakalipas pero hindi parin siya umuuwi kaya nagaalala na kami, hindi naman niya ginagawa yun ng hindi nagpapaalam eh"

"kinontak mo na ba siya?"

"kanina pa kami nagtetext at tumatawag pero hindi naman niya sinasagot eh"

"ok, i'll look for her"

ibinaba ko na agad ang cellphone ko at tinawagan si lara, kahit na sinabi ni danica na hindi ito sinasagot ni lara itatry ko parin siyang tawagan.

nanginginig ang kamay ko habang dinadial ko ang no. niya, kinakabahan ako, kung sakali mang may mangyaring masama kay lara hindi ko maiiwasang sisihin ang sarili ko, nagaway kasi kami kaya hindi ko siya kasama ngayon, kaya hindi ko siya napoprotektahan ngayon, paano nga kung may mangyaring masama sa kanya? at sa pangalawang pagkakataon ay ako nanaman ang dahilan...

hindi ko kaya...

dahil...

parang tumigil ang mundo ko ng marinig ang pag-ring sa kabilang linya...

gusto ko ng malaman ang kalagayan niya...

sana ayos lang siya...

nagtaka ako ng biglang naputol ang linya... at nung tinawagan ko siya ulit ay hindi na siya ulit macontact...

bakit?

pinatay ba niya ang phone niya?

may nangyari?

dali dali akong umalis ng bahay ay sumakay sa kotse, may driver na doon kaya nakaalis kami agad. nagdesisyon ako na pumunta ulit sa school baka sakaling makikita ko siya roon, sabi kasi ni danica ay balak ni lara na bumili ng requirements namin, eh dito lang naman malapit sa school yun pwedeng bumili bukod sa kompleto sila ng gamit dito ay mura pa, alam niyo naman siguro na prinsesa ng kakuriputan yung babaeng yun.

nakadungaw ako sa bintana habang hinahanap siya at pati na rin yung driver ko naghahanap na rin...

nang biglang...

"lara!!!!!!"

lara's POV

BBBEEEEPPPPP!!!! BBBBEEEEPPPPP!!!!!

hindi ako makagalaw habang hawak ko parin ang phone ko na tumutunog at nakatulalang tinitingnan ang isang truck na papalapit na sa akin.

ito na ba ang katapusan ko? noong unang beses akong malagay sa bingit ng kamatayan ay nakaligtas ako, at iyon ay dahil kay clark...

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon