clark's POV
bumalik na nga si lara dito sa bahay, pero parang wala parin siya. we seldom talk, halos hindi na nga kami nagpapansinan eh. bakit ko pa kasi hinayaang umabot sa ganito?
nakatira nga kami sa iisang bahay at pumapasok sa iisang eskwelahan pero para parin kaming nasa magkabilang dulo ng mundo.
pagdating sa school si danica lang ang madalas niyang kasama, pati na rin si larry, naging close na sila mula nung aksidente, mukha ngang pinopormahan na siya eh.
i tried to talk to her but she always ignore me kaya hindi na rin ako nagpumilit. ang tanga ko talaga, siya pa ang paghihintayin ko samantalang nasaktan ko na nga siya.
gusto ko ng bumalik kami sa dati, gusto ko ng bumalik siya sa dati, yung masayahin, kuripot, at mareklamong si lara. kahit na madalas kaming magtalo noon, mas gugustuhin ko naman yun kaysa sa ngayon.
we are currently having our breakfast before going to school and as usual, we are not talking to each other. kahit na ang mga maids dito sa bahay nahahalata na nagaway kami, lalo na si manang mila, tinanong na nga niya ako once kung ano daw ang nangyari sa amin, sinabi ko sa kanya ang lahat, mula kasi nung bata pa ako siya na nag-alaga sa akin kaya sa kanya ako naglalabas ng mga nararamdaman ko, sabi niya alamin ko daw muna kung sino ang mahal ko bago ako gumawa ng kahit na anong hakbang para wala ng masaktan pang iba.
pati si ate sandra napatawag narin mula sa california, hindi ko lang alam kung paano nakarating sa kanya ang balita pero sinabihan ko na lang siya na huwag ng mangialam, mabuti na lang sa huli napapayag ko rin siyang huwag ng mangialam.
"nagtapat na si larry sa akin tungkol sa nararamdaman niya at tinanong na niya ako kung pwede niya ba akong ligawan" out of the blue na sabi ni lara.
what?!!! liligawan siya ni larry?!! hindi yun pwede!!
"anong sagot mo?!" kabadong tanong ko sa kanya, sana naman hindi siya pumayag, hindi siya pwedeng ligawan ni larry, paano na lang kung magiging sila? paano kung mahalin niya si larry? paano na yung crodble? paano na yung kasal? paano na ako?!
"sabi ko pagiisipan ko pa"
nakahinga ako ng maluwag nung sinabi niya iyon, hay mabuti na lang "sabihin mo hindi pwede"
"bakit naman?"
"don't tell me may balak kang pumayag"
"why not?"
"why not?!! lara we are engaged, anytime pwede na tayong ikasal!"
"i'm just thinking that you should be fair to me"
"fair? of what?"
"i did not care if you love cynthia, i never stopped you from loving her, so you should also not care if i will let larry court me"
"then what if you fall for him? you are going to run away?! away from crodble?! then what will happen to your family?! you are all going to die!"
"i never said that i would run away, i would still marry you, gusto ko lang naman na maramdaman na may taong totoong nagmamahal sa akin bago ako ikasal sayo"
"so ngayon gagamitin mo lang si larry para maramdaman mo na may magmamahal sayo? lara sasaktan mo lang siya, paasahin, tapos sa huli iiwan mo lang pala siya"
"bakit ikaw? ganun ka rin naman ahh"
"kaya gagamitin mo siya? para makaganti sa akin? lara kung galit ka sa akin, ako lang ang saktan mo huwag mo ng idamay ang iba, paano kung mahalin mo siya? sa huli pati ikaw din masasaktan... o baka naman mahal mo na nga siya kaya hahayaan mo siyang ligawan ka?"
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen Fictionkung isa kang mahirap lang na babae tapos biglang isang araw magugulat ka na lang na kasama pala ang pamilya mo sa isang malaking organization at ikaw ang napiling pakasalan ng next successor ng organization na ito, ANO ANG GAGAWIN MO? - LARA paano...