F - FEAST

139 43 9
                                    

Hingal na hingal ang isang bulto ng tao na nagtatago sa isang malaking puno

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hingal na hingal ang isang bulto ng tao na nagtatago sa isang malaking puno. Halos tumalon na ang puso nito sa dibdib. Sa oras na ito ay wala itong iniisip kundi ang kaligtasan at paraan kung paano makalabas sa kagubatang ito.

Pinipigilan nito ang sarili na hindi makagawa ng kahit anong ingay. Isang maling kilos lang ay siguradong malalagay siya sa bingit ng kamatayan.

Hindi niya inaakalang ang masayang sembreak nila ay mahuhulog lang sa kagimbal-gimbal na kaganapan. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang niya ito naranasan at nasaksihan.

Hindi nito naiwasan ang paglandas ng butil ng luha sa mga mata nang maalala ang sinapit ng mga kaibigan, simula nang pumasok sila sa liblib na lupain.

Sa pagpikit niya ay nanumbalik ang ala-alang gusto niyang burahin sa kanyang isipan.

-----000-----

"Hanggang dito nalang tayo. Hindi na kasi makakapasok ang van sa loob ng Sitio. Lubak-lubak na ang daan baka masira pa ang sasakyan natin," sambit ni Harry sa apat na kaibigan na nasa loob ng van na iyon.

Nagsimula na silang lima na magsibabaan. Kanya-kanyang dala ito ng mga bag at iba pang personal na gamit nila.

"Sino may sunblock d'yan? Sayang skincare ko nito," ani ni Dayana sa kaibigang nagsimulang maglakad.

"Nako naman Dayana. Kahit saan ka dalhin arte mo pa rin," pang-aasar ni Fretz sa kaibigan kaya malakas siya nitong kinurot sa likod na siyang nagpaigtad dito.

"Aray! Ang bugnot mong babae ka, sorry na!" malakas nitong sigaw kay Dayana na umecho pa sa kakahuyan.

"Oh siya, para kayong mga bata. Ito pala ang sunblock.

Ikaw na bahala magtipid, kunti nalang kasi yan," pagsingit ni Alexandra sa kanila sabay abot ng sunblock kay Dayana na siyang nagpaguhit sa ngiti nito.

"Guys, bilisan niyo sabi ni Harry!" sigaw ni Mathew ilang metro ang layo sa kanila.

Nauna na kasi ito sa kanilang tatlo. Mabilis namang naglakad ang mga ito na para bang sabik na sabik na makaabot sa patutunguhan.

Sa kanilang paglalakad ay madami silang nasaksihang mga tanawin, kaya todo ang pagkuha nila ng litrato pati na sa kanilang sarili.

TWISTED ALPHABETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon