I - ISLAND

186 38 2
                                        

"Nakikiramay kami sa pagkamatay ng 'yong ama Christian," wika ng kaklase nitong si Jake

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Nakikiramay kami sa pagkamatay ng 'yong ama Christian," wika ng kaklase nitong si Jake.

Tinapik siya nito sa likod. Kahit sa ganoong paraan ay mapagaan man lang nito ang dinaramdam ng binata.

"Alam kong mahirap para sa'yo ang pangyayaring ito pero sana 'wag kang susuko. Maging masaya ang ama mo pagnakatapos ka sa kursong pinapangarap niya sa'yo," pag-aalo naman ni Faith dito.

Ilan sa mga kaklase niya ay nandoon para makiramay sa huling gabi ng lamay ng kanyang ama. Isang negosyante ang ama nito na nagmamay-ari ng isang sikat na kompanya sa Makati

Ang ina naman nito ay matagal ng wala sa buhay nila. Ang ama nalang nito ang nagpapa-aral sa nag-iisang anak. Isang Inhenyero si Christian sa isang sikat na unibersidad sa Manila.

Kahit papaano ay masaya si Christian kahit ang ama lang nito ang kapiling niya sa buhay. Wala naman itong pagkukulang sa pagsuporta sa kanya.

Ngunit naglaho ang saya na iyon na parang bula dahil sa isang pangyayaring hindi niya inaasahan.

Natagpuan ang kanyang ama sa loob ng isang elevator sa mismong kompanya nito. Tadtad ng saksak ang kahit anong parte ng katawan nito.

TWISTED ALPHABETMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon