R - RAIN

111 28 1
                                    

Isang babaeng walang malay ang biglang namulat dahil sa butil ng likido na nagsimulang bumagsak mula sa madilim na kalangitan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Isang babaeng walang malay ang biglang namulat dahil sa butil ng likido na nagsimulang bumagsak mula sa madilim na kalangitan.

Palakas nang palakas ang bawat pagpatak ng ulan, kasunod ang malakas na pagguhit ng nakakabinging kidlat.

Nanghihina itong bumangon mula sa damong binasa ng ulan. Nakita nito ang sarili sa gitna ng madamong lugar. Walang ibang makikita sa paligid kundi mga naglalakihang puno. Siguradong nasa gitna siya ng gubat.

Kahit nanginginig sa lamig ng ulan ay hindi niya ito ininda. Mas umigting ang nararamdaman niyang pagkalito kung bakit siya napunta sa lugar na ito.

Luminga-linga siya sa paligid na para bang takot na takot. Ilang sandali pa ay kusang kumilos ang mga paa nito.

Matulin itong tumakbo paalis sa damuhang kinatatayuan at sinuong ang madilim na kagubatan kahit pa malakas ang ulan.

Wala siyang ibang ginawa kundi tumakbo nang tumakbo. Sa kalagitnaan ng kanyang pagtakbo ay naging maputik ang lupang kanyang inaapakan dahilan para madulas ang kanyang mga paa.

Tumilapon ang katawan nito paggulong sa maputik na dalisdis. Hindi na niya nagawa pang kumapit sa mga patay na puno na kanyang nadaanan dahil sa karimlan at sa bilis ng kanyang pagdausdos.

Sa huling sandali ay isang pagbagok ng ulo sa patay na puno ang kanyang naramdaman bago mawalan ng ulirat.

-----000-----

Naalimpungatan si Chasty sa kalagitnaan ng kanyang mahimbing na pagtulog. Tila isang malalim na pagsakop ng kadiliman ang naging dahilan upang magising siya sa realidad.

Kasabay sa paghawak sa ulo nito ay siyang paghabol ng hininga nito na halos maubusan na ng hangin.  

Napayakap nalang si Chasty sa mga tuhod habang tinitingnan ang kabuuan ng kwarto nito. Tanging ang ilaw lang sa labas ang nagbibigay sinag sa loob ng kwarto niya.

Maya't-maya pa ay napagdesisyunan niyang bumangon sa kama. Sa ilang minutong nakatulala ay medyo nawala ang kaninang takot na nilikha ng kanyang bangungot.

Labis niyang ipinagtataka kung bakit palagi niyang napanaginipan ang senaryong iyon. Hindi lang isang beses kundi limang beses at ang palaisipin para sa kanya ay bigla siyang nagigising pagkatapos mabagok ang ulo sa patay na puno.

TWISTED ALPHABETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon