C - CRAVINGS

164 43 5
                                    

"Hon pumasok kana sa loob magtatakipsilim na

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hon pumasok kana sa loob magtatakipsilim na. 'Wag munang isipin pa nang masyado ang nakaraan, malulungkot ka lang saka isa pa makakasama 'yan sa baby natin," pag-aalalang sabi ni Anthony sa asawa niyang si Elise.

Pinapatupok nito sa naglalagablab na apoy ang mga natirang gamit ng magulang. Kasama na rito ang mga ala-alang nagbigay ngiti sa kanyang labi. Hindi napigilan ni Elise na humagulhol habang tinitingnan ang gamit na tinutupok ng apoy.

Halos tatlong buwan na silang naninirahan dito sa isang Villa. Napagdesisyunan kasi ni Elise na ibenta na ang bahay ng magulang niya pagkatapos ay lumipat na sila para magbagong buhay. Ayaw kasi nitong maalala pa ang bangungot na siya mismo ang nagdala.

"Sige hon, susunod nalang ako. Tatapusin ko lang 'to," mahinang sagot ni Elise na may pagsinghot pang kasama.

-----000-----

ANTHONY POV

Pinagmamasdan ko ngayon ang magandang mukha ni Elise. Hindi ako makatulog sa kaka-isip. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwalang napasakin na ang babaeng pinapangarap ko lang noon.

Magkakilala na kami simula pagkabata kaso kaibigan lang talaga ang turing sakin ni Elise pero ngayon hindi na. Asawa ko na siya at akin lang si Elise.

Nagpapasalamat ako sa nangyari. Iyon ang dahilan bakit napunta sa akin si Elise. Hindi pa ako nagpagod kasi kusang dumating ang dati ko lang hinihiling.

Sa ngayon ang pagtuunan ko nalang ng pansin ay ang baby namin at ang mamuhay ng tahimik bilang isang masayang pamilya.

-----000-----

"Ahhh!" pamimilipit ni Elise na siyang nagpagising kay Anthony mula sa mahimbing na pagtulog.

Mabilis naman itong bumangon saka dinaluhan ang asawa.

"Dalhin na kita sa hospital Elise para makasigurado tayo, ilang gabi na rin kasi 'yang pagsakit ng tiyan mo."

"Wag na hon, unti-unti namang nawawala ang sakit. Pumunta ka nalang sa palengke at bumili ng tatlong kilo ng karne ng baboy. Nagugutom na ako," pag-utos nito sa asawa.

Tumayo na si Anthony mula sa kama. Nagbihis na ito ng damit. Bago umalis ay ginawaran muna nito ng isang halik si Elise na nakahiga lang sa kama.

-----000-----

"Masarap ba hon? Ito pa baka gutom ka pa," masayang sambit ni Anthony sa kaharap na si Elise.

TWISTED ALPHABETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon