Handog ko sa inyo ang ang mga letrang pagmumulan nang tilamsik ng dugo, nakakabinging sigaw at sakit na kahit sino ay hindi nanaising maramdaman.
Discover the bloody secrets in every letter.
If you know the TRUTH, don't SCREAM,
If you HIDE, they wi...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Bakit! Palabasin niyo ako rito!" malakas na sigaw ko habang pinaginahampas ang harang sa aking harapan.
Ako nalang ang natitirang buhay. Lahat ng kaibigan ko ay naubos na parang bula. Hindi ko inaasahan na ganito ang kahihinatnan nang pagpunta namin sa kagubatang ito.
Ngayon kailangan kong makalabas sa lugar na ito pero mukhang wala na akong naiwangpag-asa.
Papalapit na ang taong nakasuot ng pulang maskara. May hawak itong patalim na maging daan ng aking katapusan Mas lalo akong nawalan ng pag-asang mabuhay.
Imbes na magwala ako ay itinigil ko iyon. Tumalikod ako sa krystal na nakaharang at umupo sa damuhan. Tinatanggap ko na ang kamatayangihahatol sa akin.
Napaangat ako nang makita ko na ng malapitan ang sapatos ng taong nakamaskara. Hindi ko alam kung nagdiriwang ang mga ngiti nito nang makita ang mukha ko na puno ng pagkalugmok.
May kinuha ito sa kanyang likuran. Isang gas mask. Binitawan nito ang hawak na itak saka mariingisinuot ang gas mask patakip sa kanyang mukha.
Nang matapos nitong maisuot ang gas mask ay kumaway ito sa akin. Makaraan ang ilang sandali ay isang pagbuga ng usok ang lumabas sa malaking puno kung saan makikita ang lagusan.
Mabilis na kumalat ang usok sa paligid hanggang sa umabot ito sa akin. Tinakpan ko man ang aking ilong ngunit wala iyong silbi. Mabilis akong nawalan ng malay hanggang sa hindi ko na alam ang nangyari.
-----000-----
Nagising ako sa isang malawak na silid na maihahalintulad sa interrogation room. Halos kulay pula lang ang makikitang kulay sa paligid. Walang kahit anong disenyo sa loob. Tanging isang malaking mesa lang na napagitnaan ng dalawang bakal na upuan.
Nakaupo ako ngayon sa bakal na upuan. Siniguro talaga nilang hindi ako makakatakas. May mga posas ang kamay ko na nakakabit sa mismong upuan.
Sa kalagayan kong ito ay mas gusustuhin ko nalang na maglaho sa mundo kaysa alamin ang susunod na mangyayari sa buhay ko.
Maya-maya pa ay bumukas ang pulang pinto. Iniluwa mula rito ang lalaking nakasuot ng pulang suit at pulang maskara. Matangkad ang naturang lalaki. Agad itong umupo sa upuang nasa kabilang bahagi.
"Binabati kita Erika sa pagkapanalo mo sa laro. Akalain mo 'yon. Ang isang mahinang taong katulad mo ay siya pang nabuhay sa madugong laro na ito. Napasaya mo ang Elites Predator sa pinamalas mong angking galing!" may kagalakan nitong turan sa akin.