Karamihan sa atin ay may malalawak na imahinasyon. Nasa atin nalang kung paano natin ito maipapahayag. Ang iba ay dinadaan sa makuwentong pagsasalita o hindi kaya'y sa paggamit ng makukulay na pintura upang gumawa ng isang obra maestra.
Habang ako naman ay sa paraan ng pagsusulat ng iba't-ibang akda na naayon sa aking kagustuhan. Forte ko ang paglimbag sa genre ng horror. Bata pa lamang ako ay nakahiligan ko nang manood, magbasa o makinig sa mga kwentong may kinalaman sa kababalaghan.
"Jacob anak! Anong oras na! Ba't hindi ka pa natutulog?" sigaw ni Mama sa bungad ng aking pintuan na siyang ikinagulat ko.
"Ma naman, nakakagulat naman kayo," nakangising turan ko kay Mama.
Hindi na ako nag-atubali pang tingnan siya. Nakapokus lang ako sa laptop ko habang patuloy na nagta-type.
"Ayan kung makalagok ng kape walang bukas. Sige basta matulog ka maya-maya," dagdag ni Mama saka sinara ang pinto ko.
Napabuntong hininga nalang ako nang isara ni Mama ang pinto. Akala ko kung umiiyak na naman siya. Akala ng karamihan ay maswerte ako dahil buo ang pamilya ko. Buo nga pero hindi naman masaya. Palaging nag-aaway ang magulang ko. Sigawan, batuhan ng masasakit na salita at higit sa lahat pisikalan na.
Hindi ko masisi si Mama kung ganoon ang reaksyon niya lagi kapag umuuwi ang Papa ko. Amoy alak ito at nag-aamok ng gulo. Parang hindi kami nito kilala kapag lasing. Hinala ni Mama ay may babae itong pinupuntahan kaya palaging gabi kung umuwi.
Inaamin ko, ako ang naapektuhan sa kalagayan namin kahit pa problema nilang mag-asawa iyon. Binabalewala ko man ang emosyon ko sa loob pero hindi ko maipagkakaila ang paglandas ng butil na luha mula sa aking matang puno ng pighati. Pusong gustong sumabog sa sobrang sakit at higit sa lahat isipang sawa nang mag-isip sa kung ano ang kahihinatnan ng pamilyang ito.
Gusto ko nalang ikulong ang aking sarili sa apat na na sulok ng kwartong ito at bumuo ng sarili kong mundo gamit ang aking imahinasyon. Sa paraang ito ay mas makakatakas ako sa sitwasyon ko ngayon.
Ilang sandali pa ay humikab na naman ako senyales na dinadalaw na ako ng antok. Agad kong pinatay ang aking laptop. Mabilis akong tumalon sa malambot kong kama at inihiga ang aking sarili.
Iniisip ko na naman ang senaryo sa aking kwento. Tinatanong ko ang aking sarili kung paano ko ito dudugtungan o mas gawing kahali-halina sa mambabasa.
Naging malikot ang aking imahinasyon hanggang sa hindi ko nalang namalayan na nakatulog na ako.
-----000-----
Isang sigawan at mga kalabog ng kagamitan ang siyang nagpagising sa mahimbing kong tulog. Antok man ang aking mga mata ngunit wala na akong nagawa kundi buksan ang mga ito.
Sa aking pagbaba mula sa kama ay napukaw ng aking atensyon ang pulang sinag na nagmumula sa siwang ng bintana. Dahan-dahan akong sumilip doon para tingnan ang kaganapan sa labas.
BINABASA MO ANG
TWISTED ALPHABET
Misterio / SuspensoHandog ko sa inyo ang ang mga letrang pagmumulan nang tilamsik ng dugo, nakakabinging sigaw at sakit na kahit sino ay hindi nanaising maramdaman. Discover the bloody secrets in every letter. If you know the TRUTH, don't SCREAM, If you HIDE, they wi...