N - NIGHTMARE

94 35 0
                                    

Sa pagtunog ng bell sa buong campus ng Macariola Española Memorial High School ay maririnig ang ingay ng bawat estudyante

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa pagtunog ng bell sa buong campus ng Macariola Española Memorial High School ay maririnig ang ingay ng bawat estudyante. Sabik ang mga itong umuwi sa kani-kanilang tahanan. Isa na diyan ang mga mag-aaral na tinuturuan ni Theresa.

Pagkatapos magpaalam ni Theresa sa kanyang mga estudyante ay tumungo ito sa silid-aklatan. Doon nalang nito tatapusin ang mga gawain, pati na ang pagmamarka sa mga proyekto ng kanyang mag-aaral.

Isang Teacher sa pambribadong paaralan ng Macariola si Theresa Flores. Halos pitong taon na rin siyang nagtuturo. Hawak niya ang asignaturang Filipino kung saan siya ang naatasang magturo sa ika-sampung baitang.

-----000-----

"Miss Theresa, sumabay kana sa aming umuwi, magtatakipsilim na," pag-aaya ng kapwa guro.

Nagliligpit ito ng gamit sabay lagay sa bag na hawak nito. Kasama rin nito ang isa pang guro na nakapwesto sa kabilang mesa.

"Mauna na kayo Miss Reca, tatapusin ko lang 'tong powerpoint ko. Kunting edit nalang matatapos na 'to," sabi naman ni Theresa


Bago umalis ang mga guro ay kumaway ito kay Theresa. Ginantihan niya naman ito ng matamis na ngiti. Sa paglipas ng kalahating oras ay unti-unti na ring nag-uwian ang iba pang mga guro at mag- aaral sa naturang paaralan.

Napatigil ang kamay ni Theresa sa pag-type nito sa sariling laptop.
Isang minutong pagkatulala bago luminga-linga sa paligid. Doon nito namalayan na wala na palang ibang taong nandoon bukod sa guard na panggabi na nakaupo sa guardhouse nito.

Mula sa laptop ay nalaman nito na ilang minuto nalang pala at ala siyete na ng gabi. Nagsimula siyang makaramdam ng malamig na simoy ng hangin kaya napayakap nalang siya sa sarili.

Ilang saglit pa ay kusang lumandas ang luha niya na naging dahilan para matulala na naman siya ulit. Isang buwan na kasi ang nakakalipas simula nang mawala ang dalawa niyang pamangkin na sina Furd at Crystal.

Hanggang ngayon ay bigo ang mga kapulisan na mahanap ang dalawa. Pawang mga bula na naglaho ang dalawa.

Halos kamuhian siya ng ama ng kanyang dalawang pamangkin nang malaman nitong nawawala ang dalawang anak. Tuwing bibisita siya selda kung saan ito nakasadlak ay tinatakwil siya nito palayo.

Ilang linggo rin ang nakalipas ay nabalitaan na niyang nagpakamatay ito sa loob ng kulungan. Halos mabaliw si Theresa dahil sa konsensyang sumakop sa kanyang pagkatao.

Gabi-gabi ay hindi siya nakakatulog dahil sinisi niya ang kanyang sarili sa pagkawala nito. Palagi niyang sinasabi na isa siyang pabayang tita sa kanyang pamangkin. Mas inuuna niya pa ang kanyang mag-aaral na hindi naman niya kaano-ano kaysa sa sariling kadugo.

TWISTED ALPHABETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon