S - SALVATION

96 29 1
                                    

"Ahhh!" isang nakakangilong pagtangis ang pumunit sa katahimikan ng gabi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ahhh!" isang nakakangilong pagtangis ang pumunit sa katahimikan ng gabi. Labis ang pagdurugo ng kanang hita nito dahil sa isang palaso na tumusok sa parteng iyon.

Nanginginig ang kamay nito habang binubunot ang nakabaong palaso. Imbes na matagumpayan iyong mahiwalay sa loob ng kanyang laman ay nabali iyon.

Wala na siyang maisip na paraan kundi hayaan ang pagdaloy ng pulang likido. Sa bawat hakbang na kanyang ginagawa ay kaakibat ang kumukuryenteng pamamaga nito na tila tumutusok.

"Kailangan kong makalabas sa gubat na ito!" takot nitong turan sa sarili.

Halos atakihin siya sa puso nang matanaw nito ang mga grupo ng sulo. Sinusuyod nito ang kabuuan ng gubat kaya mabilis siyang kumilos kahit na paika-ika.

"Ayon siya mga ka-Sitio!" sigaw ng lalaki na may dalang bolo at sulo.

Napunta naman ang mga mata nito sa direksyon ng isang babaeng paika-ika papalayo sa kanila.

"Dapat ay hindi na masinagan ng araw ang nilalang na 'yan. 'Wag n'yo hayaang makatakas! Ayaw kong maulit muli ang nangyari dati!" bagsik na sigaw na parang pinuno ng mga ito kaya kumaripas ng takbo ang mga kasamahan nito.

Kahit medyo may kalayuan ay umalingawngaw ang mga katagang iyon sa tenga ng babae. Nagsimulang madagdagan ang kanyang takot.

Sa kabilang banda ay unti-unting nababawasan ang pag-asang makalabas pa siya ng may hininga. Gayunpaman ginawa niya ang lahat para makalabas ng gubat.

Mas binilisan pa nito ang pagkilos nang bumungad sa kanya ang labas ng kagubatan. Ilang hakbang nalang ay nasa highway na siya.

Sa pagtapak ng kanyang paa sa sementadong kalsada ay siyang pagsulpot ng liwanag sa hindi kalayuan. Liwanag na nagmumula sa papalapit na kotse.

"Tulungan n'yo 'ko, maawa kayo!" malakas na sigaw niya sa papalapit na sasakyan kahit pipiyok na siya.

TWISTED ALPHABETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon