Isang malamig na tubig ang nagpagising sa malay tao ni Hazel. Nakahiga ito sa maduming baldosa. Kapwa nakatali ang mga kamay at paa nito.
Impit itong napakislot. Unti-unti nitong iminulat ang namamagang mga mata. Sa bawat galaw ng kahit anong parte ng katawan nito ay kaakibat ang kirot sa kalamnan.
Limang araw na ang nakalipas simula nang ikulong siya nina Wendell at Nighel. Walang awa nila itong pinahirapan. Kulang nalang ay tapusin nila ang buhay nito.
Hindi nila matanggap ang pangingialam ni Hazel sa kanilang plano. Ang gisingin muli ang katotohanang ikinubli nila sa pagbabalat-kayo.
"Akala ko patay kana? May natitira ka pa palang lakas. Ang tibay mo rin naman Hazel. Ipipilit mo talaga ang kagustuhan mong magpakabayani para kay Cedi!" pang-aasar ni Wendell habang nakahalukipkip ang mga kamay.
"Hindi ba uhaw kayo sa pagpatay? Ano pa ang hinihintay n'yo, patayin n'yo na ako!"
Kahit nahihirapang magsalita si Hazel ay buong lakas itong sumagot kay Wendell. Tila nagmamakaawa itong tapusin nalang ang buhay kaysa maghirap.
Sumulpot sa likuran nito si Nighel. May ibinulong ito sa tainga ni Wendell na naging dahilan upang sumilay ang pilyang ngisi sa labi nito.
"Ngayong tapos na kami sa 'yo. Kailangan mo na ring mawala sa landas namin. Isa kang sagabal sa lahat ng aming plano!"
Naglakad si Wendell sa isang madilim na parte ng basement. Paglagitnit ng pinto ang maririnig sa parteng iyon pati na ang pagkalansing ng kadena.
Pagkatapos ay naglakad ito pabalik sa kung saan nakatayo si Nighel. Ipinukol ni Wendell ang demonyong ngiti nito sa nahihirapang si Hazel bago tuluyang umalis.
Nakakabingi ang katahimikan sa sandaling iyon. Ilang sandali pa ay isang pagkalabog at atungal ang pumalit sa katahimikang iyon. Napalinga si Hazel sa madilim na parte ng basement.
Sigurado siyang doon nagmumula ang ingay ng hindi niya matukoy na nilalang. Palapit nang palapit ang nililikha nitong ingay. Para bang uhaw ito sa pagkitil ng buhay.
Lumabas sa madilim na parte ng basement ang isang kalakihang sanggol. Hindi ito pangkaraniwang sanggol. Nanlilisik ang bilugan nitong mga mata. Dagdag pa ang matutulis nitong mga ngipin na kayang sakmalin ang laman ng tao.
Halos hindi ito makapaniwala sa kanyang nakikita. Walang lumalabas na kahit anong salita sa kanyang bibig. Ang kanyang katawan ay parang namanhid sa lamig.
Para itong butiki na gumapang papalapit sa nagpupumiglas na si Hazel. Parang aso nitong inamoy-amoy ang natutuyong mga dugo sa sugat ni Hazel.
Bigla nalang itong lumundag paharap sa mukha ni Hazel. Mabuti nalang ay naging alerto ito sa pag-atake ng halimaw. Itinakip nito ang dalawang kamay na nakatali sa kanyang mukha.
BINABASA MO ANG
TWISTED ALPHABET
Mistério / SuspenseHandog ko sa inyo ang ang mga letrang pagmumulan nang tilamsik ng dugo, nakakabinging sigaw at sakit na kahit sino ay hindi nanaising maramdaman. Discover the bloody secrets in every letter. If you know the TRUTH, don't SCREAM, If you HIDE, they wi...