V - VIRUS

108 29 4
                                    

March 10, 2015

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

March 10, 2015

Humahangos na tumatakbo ang isang lalaki. Pawisan at hingal na hingal ito. Panay ang lingon nito sa likod habang tumatakbo sa masukal na gubat.

Tila naghahanap ito ng puwedeng pagtaguan sa sarili sa kung sino man ang humahabol sa kanya.

"Suyurin n'yo kahit saan! Hindi pa 'yon nakakalayo masyado!" malakas na sigaw ng isang lalaki sa hindi kalayuan.

Sa pagkarinig niyon ng lalaki ay agad niyang isiniksik ang sarili sa isang malaking puno. Ito nalang ang tanging masasandalan niya sa mga oras na iyon. Isang maling kilos niya lang ay siguradong matatapos na ang buhay niya.

Nanginginig ang mga kamay nito habang pilit na pinipigilan ang pag-agos ng masaganang dugo sa tagiliran nito. Tiniis nito ang sakit na sumasakop sa kanyang kalamnan.

"Kailangan kong makaalis ngayon, dapat malaman ito ng mga tao sa bayan," pang-uudyok ng kanyang isipan.

Nagtatalo ang dalawang desisyon sa kanyang isipan kung ano ba ang dapat pairalin, ngunit wala siyang nagawa dahil kusa nalang kumilos ang kanyang mga paa. Walang pasabi na tumakbo ng higit sa kanyang makakaya.

Mula sa kalayuan ay natanaw niya na ang malawak na tanawin. Isang lawa na nagsisilbing pinagkukunan nila ng tubig. Kapag natawid niya ang lawa na iyon ay makakarating na siya sa maliit nilang bayan.

Kahit masakit ang sugat na nasa tagiliran nito ay tila napawi iyon dahil sa inaasam-asam nitong pag-asa. Pero sadyang mapaglaro talaga ang kapalaran. Sa paghakbang nito sa mga tuyong dahon na malapit sa lawa ay isang malaking net ang sumakop sa buo niyang katawan.

Maihahalintulad mo ang katawan ng lalaki sa isang isda na ang tanging hangad ay makawala sa lambat. Sa isang iglap ay nabura ang kanyang kalayaan.

"Pakawalan n'yoko! Mga hayop kayo!" halos lumabas na ang litid sa leeg nito sa sobrang galit at kasisigaw sa tatlong lalaki na papalapit.

Kapwa ang mga kasuotan nito ay kagaya sa mga mangangaso. Bawat isa kanila ay may hawak na hunting rifle.

"Ang titigas kasi ng mga ulo n'yo! Pinapaalis na kayo sa bayan na 'yan kapalit ang pera ayaw n'yo pa!" singhal ng isang lalaking may sumbrero kay Mang Nelson.

TWISTED ALPHABETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon