SPECIAL CHAPTER II (BLOODY ENDING)

62 13 0
                                    

"Lamunin mo na ako nang tuluyan!Hindi ko na kaya!" sigaw ni Chasty

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Lamunin mo na ako nang tuluyan!
Hindi ko na kaya!" sigaw ni Chasty.

Nakaupo habang nakaharap si Chasty sa malaking salamin. Hindi nito alintana ang magulong kwarto. Nakatutok lamang ito sa sariling repleksyon.

Ibang-iba ang mukha niya sa repleksyon. Nakaguhit ang malaking ngisi nito sa labi samantalang siya naman ay halos mabaliw na sa kakasigaw sa harap ng salamin.

Ang akala nito ay tuluyan na siyang nilamon at nakuntrol ng demonyo ngunit nagkakamali siya. Nabubuhay lamang ito kapag isasakilos na nito ang mga kasamaan.

Pagkatapos nitong gawin ang mga iyon ay parang kusa itong natutulog. Siya ang nakakaramdam ng pagod, awa, konsensya, at takot. Gusto na niyang tapusin ang lahat at isa lang ang alam niyang paraan, ang kitilin ang sariling buhay.

Ako ay ikaw

Kamatayan sa kanila ay ipapataw

Kasiyahan ang dulot ng kanilang palahaw

Sa dugo nila tayo'y magtatampisaw

Nagbigkas ng mga kataga ang repleksyon sa harap ni Chasty. Kinikilabutan siya sa tuwing binibigkas nito ang mga linyang iyon. Tiningnan niya ang oras. Alam na niya ang susunod na mangyayari.

"Hindi ako papayag na kuntrolin mo pa ako!"

Mabilis na tumayo si Chasty sa pagkakaupo. Naiwan ang repleksyon nitong nakangisi. Pinapanood lamang nito ang bawat kilos ni Chasty.

Hinalughog ni Chasty ang kanyang drawer. Wala itong pakialam kung magkandahulog o magkalat mga gamit. Gusto na niya matapos ang lahat na ito. Nahihirapan na siya.

Napatigil ito nang makita ang pinupuntiryang bagay. Isang mahaba at may matulis na blade sa dulo, ang X-acto knife.

Napayuko siya at pinulot iyon. Naglakad siya pabalik sa malaking salamin. Iniharap niya ang matulis na bagay sa nakatingin na repleksyon. Nanginginig man ay iniangat niya ito patutok sa kanyang leeg.

Akmang ibabaon na niya ito sa leeg ay nagsimulang manigas ang ibang parte ng kanyang katawan. Isang nakakaasar na bungisngis ang maririnig sa kaharap na repleksyon. Kitang-kita ni Chasty kung paano napunit ang labi nito dahil sa pagbungisngis.

"Isang kang tangang nilalang, akala mo maiisahan mo 'ko, nagkakamali ka!" nakangisi nitong turan.

Nagpatay sindi ang ilaw kasunod ang paggalaw ng kamay ni Chasty. Parang kuryente sa bilis nitong pinaghiwa at sinugatan ang iba't-ibang parte ng kanyang katawan. Sa bawat hiwa ng talim sa kanyang balat ay isang matinis na sigaw ang kanyang pinapakawalan. Natigil lamang iyon ng bumalik na ang ilaw.

TWISTED ALPHABETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon