P - PIMPLE

92 35 0
                                    

"Ang ganda talaga ni Wendell Zaragosa," puri ni Stacy sa litrato ng isang babae na nasa instagram

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ang ganda talaga ni Wendell Zaragosa," puri ni Stacy sa litrato ng isang babae na nasa instagram.

Kaharap niya ang dalawang kaibigan na kapwa nakatingin sa kanya-kanyang cellphone.

Hindi na bago sa kanya ang ganitong eksena sa tuwing nagkikita sila ng mga kaibigan niya. Imbes na usapan ay cellphone ang inaatupag.

"Maganda naman talaga 'yan, kaya nga isang tanyag na artista at model," sulpot naman na sabi ni Vivian na hindi man lang nagbigay ng kahit isang tingin sa kaibigan.

Nang sumikat si Wendell ay nahuhumaling na si Stacy sa ganda nito. Lahat na ata ng social media accounts nito ay na-follow na niya.

Lagi siyang nakasubaybay sa bawat upload ng photo at kahit sa youtube channel nito. Bukod sa paghanga niya sa babaeng si Wendell ay gusto niyang maging ganito.

Maganda naman siya kaso lang hindi siya marunong makuntento sa kung ano ang meron siya lalo na nang makita itong si Wendell na iniidolo niya.

Parang gusto niyang maging duplicate sa isang orihinal na identidad ng isang tao.

"Mabuti na lang at nakatakas siya sa killer clown na pumaslang sa kasamahan niya sa shoot," emosyonal na wika ni Stacy na kala mo ay kapatid ang nalagay sa alanganin.

"May rumors din na kumakalat online na kasabwat daw ang dati nitong kaibigan na si Aizel Castillo sa pamamaslang," pagsali ni Katrina sa usapan.

Nang dumating ang kanilang in-order na pagkain ay napatigil sila sa usapan patungkol kay Wendell.

Imbes na ilapag ang kanya-kanyang cellphone ay panay sila kuha ng litrato sa bawat pagkaing nakahain sa mesa.

Habang nasa kalagitnaan sila nang pagnguya sa masasarap na pagkain ay bilang napatigil si Stacy.

Bigla nalang itong tumayo saka umalis sa table nila nang wala man lang paalam.

"Diarrhea day ni Stacy?" natatawang saad ni Vivian sa kaharap na kaibigan.

"Umayos ka nga Vivian, sa harap ko pa talaga habang kumakain!" saway ni Katrina na pinalakihan siya ng mata na naging dahilan upang pigilan ang halakhak na kanina pa gustong kumawala.

"Look! Si Stacy," may kalakasang sambit ni Vivian kay Katrina.

Kapwa napalingon sila sa kinaroroonan ni Stacy. Mukhang palabas na ito starbucks kung saan saan sila ngayon.

Medyo nalilito ang dalawa sa ikinikilos ng kaibigan nila kaya mabilis silang tumayo para habulin si Stacy ngunit huli na nang makaalis ang sinasakyan nitong taxi. Nagkatinginan nalang silang dalawa na kapwa may katanungan sa isipan.

-----000-----

"Ang pangit mo na!"

"Daming polka dots sa mukha."

TWISTED ALPHABETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon