Q - QUEEN

108 34 0
                                    

Makalipas ang tatlong taon, simula nang lumukob ang trahedyang nagpagulat sa publiko ay muling binuksan ang paaralan ng Macariola Española Memorial School

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Makalipas ang tatlong taon, simula nang lumukob ang trahedyang nagpagulat sa publiko ay muling binuksan ang paaralan ng Macariola Española Memorial School.

Tila isang alikabok na nilipad ng hangin ang patayang naganap sa naturang paaralan.

Parang nabura na ito sa isipan ng mga tao sa pagdaan ng mga taon tulad na lamang ng mga mag-aaral sa ika-sampung baitang na parang walang kaalam-alam sa nakaraang nagbigay mantsa sa kanilang paaralan.

Sa isang iglap ay biglang naging tahimik ang kaninang sobrang ingay na classroom. Nang marinig nila ang yabag ng takong na paparating ay biglang tumiklop ang mga ugaling nakatakas sa mental sa sobrang kagaslawan, pati na ang mga bungangang daig pa si Aling Marites kung makapag-usap.

"Good morning class! before we begin with our orientation, I want all of you to meet Ms. Davidson. Since second day of school na siya pumasok, she will introduce herself," pagsisimula ni Miss Estrella.

Nang ipakilala na ang bago nilang kaklase ang sarili nito ay samu't saring reaksyon ang makikita sa bawat mukha ng mag-aaral na nakatingin sa kanya.

Sumilay ang matamis na ngiti ng mga kaklase niyang lalaki na nakaupo sa likurang bahagi, matatanaw naman sa kaliwang bahagi ang ibang babaeng nagkukunwaring isang anghel.

-----000-----

Halos mangasim na ang mukha ng estudyanteng si Sam Davidson nang pagbatuhin siya ng kaklase niya gamit ang itlog. Nagkandabasag ito sa kahit saang parte ng kanyang katawan lalo na ang kanyang mukha.

Parang inilublob siya sa kawali na puno ng mantika sa kalagayan niyang iyon. Dahil sa sobrang kahihiyan ay mabilis siyang tumakbo patungong cr.

Tumingin siya sa malaking salamin na nakadikit sa kanyang harapan. Gusto man niyang umiyak ngunit pinipigilan niyang lumandas ang butil ng luha. Ayaw niyang maging talunan.

Sinahod niya ang kamay mula sa naglalagaslas na tubig saka naghilamos pagkatapos ay pinalitan niya ang uniporme ng ibang kulay na damit.

"Sam buksan mo 'to, pikon mo naman. Nag-uumpisa pa lang kami!" sigaw ng kaklase niyang si Shermane.

"Sorry talaga Sam, pabida ka kasi!" dagdag naman ni Lyka gamit ang pabebeng boses.

"Papasukin mo kami, hindi mo pagmamay-ari ang cr na 'to," ani Precious na kinakalampag ang pinto.

Nakatulala lang si Sam sa harap ng salamin. Alam niyang wala siyang laban sa mga ito, kaya naman ay humakbang siya para pagbuksan ang mga kaklase.

TWISTED ALPHABETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon