K - KILLED

114 38 2
                                    

May mga bagay sa mundo na minsan mahirap hanapan ng kasagutan o sadyang hindi kapani-paniwala para sa iilan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

May mga bagay sa mundo na minsan mahirap hanapan ng kasagutan o sadyang hindi kapani-paniwala para sa iilan. Sa tingin kasi nila imposible ang ganoong pangyayari na baka guni-guni lang natin o binubuo lamang ng ating imahinasyon.

Malamig ang ihip ng hangin. Tahimik at walang masyadong tao ang parke kung saan nagpapalipas oras ang babaeng nagngangalang Hazel. Nakatulala lang ito sa kawalan na tila malalim ang iniisip.

Wala itong pakialam sa kanyang paligid kahit na lumalalim na ang gabi. Halos mabilang nalang taong naglilibot doon.

Hindi naman madilim dahil sa mga poste ng ilaw na nasa iba't-ibang parte ng parke na siyang nagbibigay liwanag doon.

"Miss ayos ka lang ba?"

Napakislot si Hazel nang maramdaman niya ang presensya ng isang taong nakatayo malapit sa kanyang inuupang bench. Nakasuot ito ng black pants at asul na hoodie. Kapwa nakapamulsa ang kamay nito.

"Sa tingin mo okay ako sa lagay na 'to?" walang ganang sagot nito sa lalaki.

Naputol tuloy ang kanyang pagmumuni-muni. Bigla kasing dumating ang lalaking hindi niya naman kilala miski ang pangalan man nito.

"Mukhang hindi nga pero ano ba talaga ang dahilan?" pagtatanong uli nito na ikinainis ni Hazel.

"Umalis ka nalang!" may kalakasang wika nito na hindi na mapigilang maasar sa ikinikilos ng lalaki.

"Napaisip lang ako kung bakit ang isang magandang babaeng katulad mo ay nag-iisa sa ganitong lugar at gabi pa. Delikado pa naman ang panahon ngayon," sabat naman ng lalaki.

Dahan-dahan itong umupo sa bench kung saan nakaupo si Hazel.

HAZEL POV

Nang dahil sa pagdating ng lalaking ito ay napunta sa kanya ang atensyon ko imbes sa bagay na iniisip ko kanina.

May saltik ba ito sa ulo? bakit bigla-bigla nalang nagpapakita at nakikipag-usap? Isa pa, hindi niya naman ako kilala at mas lalong hindi ko siya kilala.

Umupo ito sa tabi ko kaya napausog ako sa gilid. Mahirap na lalo pa at hindi ko kabisado ang taong ito. Baka kasi may masamang balak na ikapahamak ko pa.

Kahit papaano ay may parte ng sarili ko na nag-uudyok na pakinggan ang mga katagang binibigkas nito. Lalo na nang sinabi nito ukol sa pag-iisa ko
rito sa parke.

"Nakatakda ba na pahirapan tayo sa mundong 'to?

Nabasag ang ilang segundong katahimikan dahil sa tanong ng lalaking nasa tabi ko lang.
Nilingon ko siya at tulad ko kanina ay nakatanaw lang ito sa hindi kalayuan.

"Ang lalim naman nang binitawan mong salita. Siguro, normal lang 'yon dahil darating talaga tayo sa puntong 'yon, pero minsan napapaisip din ako kung normal nga ba, dahil na rin sa mga karanasan ko. Parang ipinagkait kasi sa'kin ng kapalaran ang tunay na kasiyahan."

TWISTED ALPHABETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon