Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

D - DRUNK

165 43 6
                                        

"Sinasayang mo lang ang pera namin ng papa mo!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Sinasayang mo lang ang pera namin ng papa mo!"

"Anong nangyayari sa 'yo anak. Dati ang tataas ng marka mo pero ngayon palakol na ang nakaukit sa card mo!"

"Ano nalang ang sasabihin ng kamag-anak nating mga professional ha! Na ang anak natin ay isang lakwatsera at tayo ay pabayang magulang!"

Ilan lamang iyan sa mga salitang nagsimulang humanap ng lugar sa isipan ni Elizabeth. Tila nagsisiksik ito sa sulok ng kanyang isip. Naalala niya ito sa tuwing siya ay nalulungkot.

Ginawa naman niya ang lahat pero minsan napapagod din siya. Palagi nalang aral ang kanyang inaatupag.

Kaya minsan naisipan niyang sumama sa mga kaklase na hindi sumisipot sa oras ng klase. Masasabi niyang masaya iyon kaysa sa unang buhay na kanyang kinagisnan. Libro, computer, mga aralin. Nakakasawa.

Gusto niya ng bago at hindi puro mukmok sa bahay  Hindi niya namalayan na pabagsak na pala ang kanyang grado. Gusto lang naman niyang maranasan ang tunay na kasiyahan

Wala naman kasing time ang kanyang magulang para mag-outing o di kaya'y maglibang kasama niya. Busy ito sa kani-kanilang kompnya.

Isang taon nalang makakaalpas na siya sa kolehiyo sa kursong Tourism pero mukhang hindi na ata matutupad iyon. Nawala na siya sa landas na gusto niyang tahakin. Nawawalan na siya ng gana sa lahat.

"Strawberry wine and strawberry cake sa table 14", sabi ng kahera na nasa isang bar.

Agad namang pumunta ang waiter sa table ni Elizabeth saka nakangiting inilalagay ang inorder ng dalagita.

"Thanks," ani Elizabeth.

Habang abala ito sa pagkain ng cake si Elizabeth ay biglang nalang may lalaking umupo sa bakanteng upuan na nasa harap niya.

Maarteng sinuklay-suklay ni Elizabeth ang kanyang buhok. Kinuha nito ang phone sa bag na nasa gilid at tiningnan ang mukha kung fresh paba. Nakakahiya naman kung titingin siya rito.

May katangkaran ang lalaki. Nakasuot ito ng gray na polo na kapares ang trouser. Ayon sa feature ng mukha nito mukhang taga ibang bansa ito.

"If you don't mind Miss beautiful. Dito na ako uupo. Wala na kasing bakante kahit saan. You seemed to be an interesting person," pagsisimula nito.

TWISTED ALPHABETMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon