L - LOST

100 36 0
                                    

Sa ilalim ng bughaw na kalangitan ay makikita ang rumaragasang talon na malakrystal ang tubig sa sobrang linaw

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa ilalim ng bughaw na kalangitan ay makikita ang rumaragasang talon na malakrystal ang tubig sa sobrang linaw. Napapalibutan ito ng mga matatayog na punongkahoy na may mga baging.

Iyon ang nakapaloob sa larawang hawak ni Jess. Sa wakas ay nakaapak na rin ang mga paa niya sa lugar na inaasam-asam na mapuntahan. Mas nakakahalina pa pala ito na higit sa kanyang inaakala.

Panay naman ang kuha ng picture ang kasama niyang si Immanuel. Isa ito sa kaklase niyang mahilig mangolekta ng litrato kahit saan magpunta.

Si Ken naman ay nagtampisaw sa malinaw na tubig na nagmumula sa mataas na talon. Tila batang pinagkaitan ito nang kalayaan na makapagligo sa ganitong tanawin.

Nabaling ang atensyon ni Jess sa kaibigan nitong si Erika na nasa gilid lang ng naturang talon. Nakaupo ito sa mga batong nagkumpulan kaya nilapitan niya ito para kausapin.

"Erika, sulitin na natin ang moment na 'to. 'Wag kang mangamba. Once in a lifetime lang 'to. Baka nga last na punta nalang natin dito. Alam mo namang pasukan na sa susunod na linggo kaya halika na!" pagbibigay lakas loob ni Jess sa kaibigang si Erika.

Sa kanilang apat na magkakaibigan, si Erika ang tahimik na klase ng tao pero madaldal ito kapag sila ang kasama. Hindi ito nakikipaghalubilo sa ibang tao kung hindi naman kinakailangan.

Isa pa, alam niyang ayaw ni Erika na mawili sa kasiyahang nakahain, natatakot ito na baka pagkatapos ng saya na ito ay kapalit ang hindi inaasahang pangyayari.

Hindi rin naman siya masisi ni Jess dahil dala lang siguro ito ng trauma na nangyari sa kaibigan. Bilang malapit kaibigan ay iniintindi nalang nila ito at alam nilang mas kailangan sila nito ngayon.

"Salamat Jess, sige simulan na nating itayo ang mga tent. Siguro kailangan ko ring libangin ang aking sarili para mailayo ito sa negatibong mga bagay," may ngiti sa labing sambit nito sa kaibigan na siya namang ikinatuwa ni Jess.

Nagsimula silang magtayo ng tent sa gilid ng talon. Napagdesisyunan nila na magstay na muna sila dito at ipagpabukas nalang ang pag-akyat sa summit.

Bale dalawang tent ang nandoon. Ang itim na tent ay kina Ken at Immanuel habang ang kahel naman ay sa dalawang babae.

Nang matapos nilang isaayos ang tent at iba pang gamit ay agad silang lumusong sa mala-yelong tubig sa sobrang lamig. Rinig na rinig ang pagragasa ng tubig mula sa itaas na bahagi, bagkus nanaig pa rin ang kanilang mga tawanan at sigawan.

-----000-----

Naka-indian set silang apat na kapwa kaharap ang isa't-isa. Masaya sila nagkekwentuhan tungkol sa mga childhood memories nila.

Naisipan nilang wag nalang gumawa ng bonefire tutal maliwanag ang sinag ng buwan na nagbibigay tanglaw sa kanila. Hindi tulad sa loob ng gubat na may kadiliman. Ang puwesto kung saan sila ay abot ng sinag ng buwan dahil walang masyadong mga sanga na nakatakip sa ibabaw.

TWISTED ALPHABETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon