Y - YOU'RE NOT ALONE

130 24 5
                                    

"Miss Cabrera, may naghahanap po sa 'yo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Miss Cabrera, may naghahanap po sa 'yo."

Napatigil si Janice sa pagbabasa ng kwadernong hawak nang tawagin siya ng kasamahan niyang psychiatric nurse.

Agad nitong inilapag ang kwadernong pagmamay-ari ni Jacob sa kaliitang mesa na katabi lamang ng kama nito.

Ang laman ng bawat pahina ng kanyang kwaderno ay bunga ng kanyang malikot na imahinasyon bilang isang manunulat.

Nakasulat sa huling pahina nito ang madugong kaganapan ng kanyang magulang bago siya ipinasok sa pasilidad na ito.

"Jacob maiwan na muna kita rito, may aasikasuhin lang ako. Babalik ako pagkatapos," malumanay na turan ni Janice sa binatang nakaupo sa ibabaw ng kama.

Wala itong ibinigay na kahit anong reaksyon o binanggit na salita kay Janice. Nakayuko lamang ito habang nakayakap sa dalawang tuhod.

-----000-----

Nang matapos asikasuhin ni Janice ang kailangang tapusin ay mabilis nitong tinungo ang pasilyo papunta sa cr. Mabilis siyang pumasok doon at ini-lock ang pinto.

Kaharap niya ang malaking salamin. Tahimik at maaliwalas ang loob ng cr bagkus sobrang gulo ng kanyang isipan.

Pakiramdam niya ay sobrang bigat ng kanyang kalooban. Para bang pasan-pasan niya ang kasalanang matagal na niyang hindi binigyang pansin.

Mula sa salamin ay kitang-kita niya ang sariling repleksyon. Napakaamo ng kanyang mukha na tila hindi marunong magalit.

Naputol ang pagtingin ni Janice sa sariling repleksyon nang may biglang kumatok sa pinto ng cr.

Dali-dali niyang inayos ang sarili. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nito bago tuluyang buksan ang pinto.

"Janice andito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap. Yayain ka sana namin kumain sa labas," may kalakasang bigkas ng kasama niyang psychiatric nurse.

"Pasensya na, medyo masama lang pakiramdam ko ngayon. Sa susunod nalang ako sasama. Uuwi ako pagkatapos ng duty ko," mahinang turan ni Janice.

Nagpaalam na si Janice sa kasama nito bago tuluyang bumalik sa silid kung saan si Jacob.

-----000-----

Nadatnan ni Janice na nakahiga si Jacob patalikod sa kanya. Agad niyang inilapag ang tray sa kaliitang mesa, pagkatapos ay marahan niyang isinara ang pinto sa silid ni Jacob. Sinigurado niya talagang naka-lock ito.

TWISTED ALPHABETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon