J - JESTER

120 38 0
                                    

Mula sa kalahating oras na ginugol ni Wendy sa pagjo-jogging ay napahinto siya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mula sa kalahating oras na ginugol ni Wendy sa pagjo-jogging ay napahinto siya. Pinunasan nito ang makinis na mukha gamit ang panyong hawak. Kinuha niya mula sa maliit na bag ang isang baunan ng tubig.

Sa paglagok niya ng tubig ay isang kaluskos mula sa isang puno ang kanyang narinig, pero isinawalang bahala niya nalang ito. Baka kasi mga hayop lang ang mga iyon, gayong maraming puno ang lugar kung saan siya ngayon.

Bago ito magpatuloy ay tiningnan muna niya ang kanyang cellphone. Ilang minuto nalang pala ala sais na ng umaga kaya ipinagpatuloy na nito ang pagjo-jogging.

Wala pang ilang hakbang ang nailikha ng mga paa nito ay biglang may payasong sumulpot sa kanyang harapan. Agad namang napatigil si Wendy dala ng gulat.

Hindi ito ang tipikal na payasong lagi nating nakikita sa mga party o sa kahit anong entertainment show. Parang galing pa ito sa sinaunang panahon dahil sa kasuotan nito.

Mistulang tatlong sungay ang pantakip nito sa ulo na may maliliit na bilog sa dulo. Ang mga sapatos nito ay patulis. Kulay pula at itim lang ang nagbibigay kulay sa kabuuang suot nito. Sa madaling salita isa itong Jester clown.

"Putikk ka! Nagulat ako sa'yo!"

Sa pagsigaw niya sa payasong ilang metro lang ang layo ay ginantihan siya nito ng isang nakakilabot na ngiti na parang aabot sa tenga.

Nangingitim ang labi nito, pulang-pula ang mata nitong nangangalumata.

Halatang may namumuong takot kay Wendy dahil sa tono ng pananalita nito. Parang hindi ito kumportable sa bigla-biglang pagpapakita ng naturang payaso.

Naisipan ni Wendy na nag-aaksaya lang siya ng oras sa walang kwentang bagay. Parang pumitik sa isipan nito na nauuso na naman ang prank na panakot sa panahon ngayon. Para lang pagpiyestahan sa social media o hindi kaya ay sumunod sa trend.

Sinimulan niya na ang pagtakbo palayo sa jester clown na iyon. Naiwan lang itong nakatayo doon habang tinitingnan siya papalayo.

TWISTED ALPHABETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon