Nakatayo ang isang estudyante sa isang waiting shed na katapat lamang ng isang malaking mall. Medyo maghahating-gabi na pero wala pang dumadaan na bus na may bakanteng upuan.
Tatlong bus na ang lumagpas pero halos punuan na ang loob nito. Mas pinili na lamang ng binata na mag-antay ng susunod na bus, baka naman sakaling maluwag ang susunod na hihinto.
Ilang sandali pa ay biglang bumuhos ang malakas na ulan kasabay nang malakas na kidlat.
"Minalas nga naman!" turan ni Christian sabay kamot sa ulo.
Naisipan niyang kunin ang cellphone sa bulsa at tawagan nalang ang kanyang uncle kung pwede siyang magpasundo.
Sa pagbukas niya ng cellphone ay agad niyang pinindot ang mga numero nito. Limang numero palang ang napindot niya ay may isang mensahe ang lumabas sa kanyang notification.
"Bakit ngayon pa!" nanggigil niyang turan nang mabasa ang mensaheng iyon.
Kaka-expired lang ng kanyang load kaya naisipan niyang magpa-load nalang.
Ilang sandali pa ay may dumaang pulang van.
Lumabas dito ang mga lalaking nakasuot ng pulang tuxedo. Lumapit ito kay Christian at walang pasabing itinurok nito sa leeg ang syringe.
Hindi na nakapalag pa ang binata. Tuluyan na nang nanghina ang katawan nito. Binuhat ito ng mga lalaki papasok sa van saka umalis na parang walang nangyari.
-----000-----
Nagising nalang si Christian sa isang silid. Halos kakulay na ito dugo dahil sa sobrang pula nito. Idagdag pa ang ilaw na parang tinalsikan ng pulang likido.
Nilibot niya ang kanyang paningin kaya nalaman niyang hindi lang siya ang taong nasa silid na iyon.
Bukod sa kanya ay may tatlo pang mga tao ang nandoon. Parehas niyang nakakadena ang mga ito sa kani-kanilang upuan.
May mga busal ito sa bibig dahilan para hindi nila maisigaw ang takot na nadarama.
Isa dito ay lalaki at ang dalawa naman ay mga babae na sa tantiya niya ay kaedad niya lang ang mga ito.
BINABASA MO ANG
TWISTED ALPHABET
Mystery / ThrillerHandog ko sa inyo ang ang mga letrang pagmumulan nang tilamsik ng dugo, nakakabinging sigaw at sakit na kahit sino ay hindi nanaising maramdaman. Discover the bloody secrets in every letter. If you know the TRUTH, don't SCREAM, If you HIDE, they wi...