Nakarating ka na ba sa lugar na hindi pamilyar sa iyong mga mata? Paano kung mahukay mo ang nakakubling lihim ng naturang lugar?
Tatakbo kaba alang-alang sa iyong kaligtasan o papairalin ang kuryusidad na namuo sa iyong isipan?
Sa loob ng isang Sweet Cafe ay limang college student ang nakaupo palibot sa bilugang mesa. Nagplano ang mga ito sa gagawin nilang nature tripping.
Ayon sa kanila, sakto ang panahong ito para aliwin ang kanilang sarili dahil umayon ito sa kanilang Christmas break.
Sa paraang ito ay mababawasan ang stress na kanilang kinakaharap, ingay ng syudad at lalong-lalo na ang realidad ng kani-kanilang buhay. Kahit man lang sa maikling oras ay masusulit nilang makapag-relax sa luntiang kapaligiran pati na ang paglanghap ng preskong hangin.
Pagkatapos nilang mapag-usapan ang plano patungkol sa kanilang nature tripping ay kanya-kanyang labas mula sa cafe ang limang magbabarkada. Kailangan nilang ihanda ang mga personal na gamit na kanilang dadalhin sa pag-alis.
-----000-----
Habang nasa byahe ang magkakaibigan ay tanging tawanan, hiyawan at malakas na tugtog ng musika ang tanging maririnig sa loob ng sinasakyan nilang van. Tila nilalasap nila ang sandali ng kasiyahan na ngayon lang nila muling naranasan.
Mga ilang sandali ang nakalipas ay biglang napahinto ang van na kanilang sinasakyan. Lumiko ito sa kaliwang direksyon ng kalsada at humarurot papasok sa kawalan.
Mga ilang minuto ang nakalipas ay huminto na naman ang van. Isang karatula na may nakasulat na "No Trespassing", may mga baging na nakapulupot sa paligid nito.
Maya't maya ay napagpasyahan nilang ipagpatuloy ang pagmamaneho sa pamamagitan nang pagbangga ng karatula.
Walang kahirap-hirap na bumigay ang naturang harang. Nalipasan na ito ng mahabang panahon kaya hindi maipagkakaila na itong masira.
Parang nasa gitna ng kawalan ang bumabyaheng van kung ito ay titingnan sa itaas. Napapalibutan ang naturang daan ng matatayog na punong kahoy.
-----000-----
Makalipas ang ilang oras na byahe ay natanaw nila sa hindi kalayuan ang isang maliit na bayan. Bago makapasok sa mismong bayan ay may madadaanang maliit na karatula sa kanang bahagi ng kalsada. Kagaya ng harang kanina ay may mga baging at lumot na nakadikit sa paligid nito.
"Lakeside Town." iyon ang pangalan ng naturang bayan.
Tiningnan nila ang oras sa cellphone at napag-alaman nilang alas-sais na pala. Ang ibang kasamahan naman nito ay tinataas ang cellphone baka sakaling makakalap ng signal ngunit wala talaga.
Nang makalapit na sila sa bayan ay inihinto nila ang van. Namilog ang kanilang mga mata dahil sa iba't ibang kulay ng ilaw na nangagaling sa bawat gusali.
Parang mga alitaptap ang mga ito kung titingnan sa malayo kaso iba-iba ang kulay.
Imbes na ipagpatuloy ang napagplanuhang nature tripping ay isa-isa silang bumaba sa van para masilayan ang mga gusali sa harapan nila. Ang tanging maririnig lamang sa paligid ay mga kuliglig sa kahit saang parte ng bayan. Wala silang nakikita miski isang bulto ng tao na naglalakad kahit saan.
Dala ng kanilang kuryusidad at pananabik ay dinala sila ng kanilang mga paa sa kahit saang sulok ng bayan. Nawala na parang bula sa kanilang isipan ang totoong destinasyon na dapat nilang paroroonan.
Hindi na nila alintana na lumalayo na sila sa kanilang van na nakaparada sa bungad ng bayan. May ilang mga restuarant, coffee shop, bookstores at iba pang gusali.
Isang grocery store na ilang metro lang ang layo sa kanilang kinatatayuan ang nagpagising sa kanilang atensyon. Malaki ito kumpara sa ibang gusali, dagdag pa ang makapukaw sa gandang mga ilaw na kumukutitap paligid nito.
Halos ilang minuto na katahimikan at pagkatulala ang naganap bago magpulusan nang takbuhan ang limang magkakaibigan patungong grocery store.
Nang makarating na sila sa mismong tapat ng gusali ay walang pagdadalawang-isip nilang binuksan ang pintong gawa sa krystal.
Bumungad nang tuluyan ang tanawin sa loob ng gusaling iyon. Para itong handog na regalo sa bawat dayo sa pupunta sa bayan na ito. Nag-aantay na mabubuksan ng kahit sino.
Imbes na mga groceries ang nasa loob ng gusali ay hindi mabilang na naagnas na katawan ang nakalatay sa kahit saan. Nalalapnos ang mga balat ng mga ito na tila sinilaban sa naglalagablab na apoy.
Ang mga dugong nagtalsikan kahit saan ay nangingitim. Para itong ugat na gumagapang sa kahit saang sulok ng grocery store.
Ang kaninang pagkasabik at paghanga na kanilang nararamdaman para sa bayang iyon ay isang kisap-matang napalitan ng kilabot pati na ang takot na nagsimulang gumapang sa kanilang sistema.
Nabalik silang lahat sa pagkilos nang kumawala sa isa nilang kasamahan ang isang malakas na pagsigaw. Tinuturo nito ang mga bangkay na nagsimulang bumangon mula sa sahig. Ang iba sa mga ito ay gumapang palapit sa kanila kahit na napupunit na ang mga balat nitong naagnas.
Hindi na nila inantay pang abutan sila ng mga bangkay. Mabilis silang kumaripas palabas ng grocery store na iyon. Walang ginawang kahit isang lingon ang kahit sa isang kasamahan nila. Patuloy lang ang matulin na pagtakbo makalayo lang sa gusaling iyon.
Huminto lang sila sa pagtakbo nang makarating na sila sa nakaparadang van na tila inaantay ang kanilang pagbalik.
Sa huling pagkakataon ay nagawa nilang lumingon sa bayan na nasa kanilang likuran.
Unti-unting nagbago ang anyo ng bayan. Parang naglaho ang magagandang ilaw. Napalitan ito ng isang kakila-kilabot na kadiliman na siyang sumakop sa buong bayan.
Ang mga gusali ay nilukob ng mga gumagapang na halaman at lumot. Kahit saan tingnan ay mailalarawan mong isang abandonadong bayan na tila nilukob ng malaking apoy.
MIKAELA POV
Ang gabing iyon ay isang kagimbal-gimbal na karanasan sa tanang buhay namin. Nagbigay ito ng bangungot sa bawat pagtulog namin kapag kumakagat na ang dilim.
Akala namin ay magiging memorable ang aming nature tripping bagkus naging baliktad ang kinalabasan ng aming pagpaplano dahil isang punla ng kilabot at pagsisisi ang dinadala namin kailanman.
Ngayon ay hindi ko matigilan ang paglandas ng luha sa aking mata lalo't na nang makita ko ang isang bagay na ikinaguho ng aking mundo.
"Five teenagers are found dead inside their van near the Lakeside Town that was abandoned for many years," ayon sa reporter na nasa telebisyon.
"Tanggapin mo nalang Mikaela na patay na tayo, wala na tayong magagawa pa sa katawan natin. Wala namang may gusto nito. Isa pa, aksidente ang nangyari," parang nilalamig na boses na sabi ng kaibigan niya.
Kasama nito ang tatlo pa niyang kaibigan na kakitaan ng kalungkutan sa mata. Pagkatapos ay parang usok silang nilipad ng hangin hanggang sa mawala.
"There are some situations that are difficult to accept, especially when we are not prepared."
BINABASA MO ANG
TWISTED ALPHABET
Mystery / ThrillerHandog ko sa inyo ang ang mga letrang pagmumulan nang tilamsik ng dugo, nakakabinging sigaw at sakit na kahit sino ay hindi nanaising maramdaman. Discover the bloody secrets in every letter. If you know the TRUTH, don't SCREAM, If you HIDE, they wi...