H - HUNT

125 40 1
                                    

"Pre kakahiwalay mo lang kay Janice may bago ka na naman!" ani ng kainuman nitong si Drew sa kaharap na si Liam

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Pre kakahiwalay mo lang kay Janice may bago ka na naman!" ani ng kainuman nitong si Drew sa kaharap na si Liam.

Kasama nito ang dalawa pa niyang kaibigan na sumasabay sa kanilang usapan. Panay ang kuha ng mga ito ng pulutan.

"Oo nga pre, nakakarami kana. Pang-ilan na kaya 'yan? 'Di na namin mabilang," sabat naman ni George sabay lagok ng isang basong alak.

"Pustahan tayo hindi na naman magtatagal 'yan ng isang buwan," natatawang turan ni Ben.

Nilapag nito ang dalawang daang piso sa mesa kaya napaismid nalang si Liam.

Sa kalagitnaan ng kanilang asaran ay bigla nalang tumunog ang cellphone ni Liam.

Agad naman nitong kinapkap ang bulsa at sagutin ang naturang tawag. Sumenyas pa ito sa kainuman na itikom ang kanilang mga bibig.

-----000-----

Unti-unting bumukas ang talukap ni Liam. Iniangat nito ang ulo na nakasubsob sa mahabang mesa.

Parang ilang araw na itong natutulog dahil parang hindi niya maigalaw nang maayos ang buong katawan sa sobrang pangangalay

Nang maaninag na nito ang kabuuan ng silid ay parang tinakasan ito ng antok. May katawan ng babaeng nakahiga sa mahabang mesa.

Tanging maikling short lang ang suot ng babae. Sa laki ng tiyan nito ay mukhang may dinadala ito sa kanyang sinapupunan. Namumutla ang balat nito.

Gustong magsalita ni Liam pero ni isang kataga ay hirap niyang maibigkas pati na ang pagkilos ay hindi niya magawa. Tanging ang pandinig at mga mata niya lang ang nakikisabay sa mga oras na iyon.

Pagkaraan ng ilang minuto ay naramdaman niya ang pagkilos ng babae. Dahan-dahan itong umupo sa kahabaan ng mesa. May kinuha ito sa paanan at tumingin sa mga mata ni Liam.

Iniharap nito ang malaking bubog ng salamin sa pagmumukha ng lalaki. Makikita sa repleksyon nito ang takot at pagsisi. Sa pagpatak ng mga luha nito ay siyang pagsaksak ng babae sa bubog ng salamin sa kanyang umbok.

Nagtalsikan ang masaganang dugo kahit saan lalo na sa mukha ni Liam. Hiniwaan niya ang umbok pababa bago binitawan ang duguang bubog.

TWISTED ALPHABETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon