SPECIAL CHAPTER

109 13 0
                                    

NOTE: Bago niyo basahin ang parteng ito ng kuwento

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NOTE: Bago niyo basahin ang parteng ito ng kuwento. Siguraduhing nabasa niyo na ng kumpleto ang mga letra sapagkat maguguluhan lang kayo sa mga kaganapan dito.


Napamulat ang aking mga mata dahil sa pagbagsak ng butil na likido mula sa makulimlim na kalangitan.

Palakas nang palakas ang pagpatak ng ulan. Sinundan ito ng isang malakas na kidlat.

Nanghihina akong napabangon mula sa damong binasa ng ulan. Nakikita ko ang aking sarili sa gitna ng damuhan. Naglalakihang mga punongkahoy ang nakikita ko sa paligid.

Tuluyan na akong nabasa ng ulan. Nanginginig man sa lamig ay wala akong pakialam. Mas umigting ang nararamdaman kong pagkalito kung bakit ako napunta sa lugar na ito.

Para akong walang kaalam-alam na napadpad sa gitna ng kawalan.

Parang hindi ako mapakali. Luminga-linga ako sa paligid na para bang takot. Kumilos ng kusa ang aking mga paa.

Tumakbo ako nang matulin paalis sa damuhang kinatatayuan ko. Sinuong ko ang madilim na kagubatan kahit kasagsagan nang pagbuhos ng ulan.

Sa kalagitnaan ng aking pagtakbo ay naging maputik ang lupang aking naapakan. Nawalan ako ng balanse dahilan para madulas ako sa maputik na dalisdis.

Hindi ko na nagawa pang kumapit sa mga patay na puno dahil sa karimlan at bilis ng aking pagdausdos.

Naramdaman ko nalang na tumama ang aking ulo sa isang patay na puno.

-----000-----

Napaangat ako mula sa pagkakadapa malapit sa isang patay na puno. Iniangat ko ang aking ulong kumikirot.

Sa paghawak ko sa aking noo ay nagkamantsa ng dugo ang aking kamay.

Bakit pa ako nagising. Sana hindi nalang bumalik ang aking malay. Ayoko ng mabuhay, nahihirapan na ako. Gugustuhin ko nalang mamatay.

Iyon ang nasagi sa aking isipan sa pagbalik ng aking malay tao. Hindi ko alam bakit nasabi ko iyon sa aking isipan. Wala akong maalala pero bakit naghahalo ang kalungkutan at kaba na aking nararamdaman.

Mabilis akong tumayo. Hindi ko na pinansin kung puno man ng putik ang suot kong puting dress.

Nagsimulang lumakas ang kabog ng aking dibdib. May nararamdaman akong kakaiba pero hindi ko mawari kung ano.

Naisipan kong libutin ang aking paningin kahit halos puno lang ang nasa paligid. Mula sa kalayuan ay may sumulpot na bulto ng isang nilalang. Malaki ito na may malaking sungay.

Parang lumalapit ito papunta sa akin kaya nahintakutan ako. Mabilis akong kumilos pasalungat sa nilalang.

Hanggang ngayon ay hindi pa tumila ang ulan. Nangangatog na ako habang tumatakbo. Wala akong ideya kung nasaan ako. Isa lang ang tanging nasa isip ko, walang iba kundi ang tumakbo palayo sa nagbabadyang panganib.

TWISTED ALPHABETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon