Sa isang liblib at maliit na baryo sa San Rafael ay may nakatirang mag-asawa na sina Mang Felipe at Aling Sonya.
May isa itong anak na lalaking nagngangalang Vicente. Nag-iisang anak nila ito kaya ginagawa nila ang lahat para mapalaki lang ito nang maayos.
Hindi masyadong malaki ang bahay nila Vicente. Isa lang itong kubo na tipikal makikita natin sa mga probinsya ngunit nanatili ang kaayusan at kalinisan sa paligid nito.
Napapalibutan ito ng ibat-ibang klase ng mga halamang namumulaklak. Ito ang nagbibigay halina sa taong makakapasok sa kanilang mala-bahay kubong tahanan.
Nagmamay-ari ang ama nito ng hindi ganoon kalawak na bukirin pero sapat lang para masustentuhan ang kanilang pangangailangan. Medyo magkalayo ang distansya ng ibang bahay sa kanila na simple lang ang pamumuhay gaya nila.
Kahit hindi ganon karangya ang kanilang pamumuhay ay nagpapasalamat sila sa biyayang natatanggap nila sa bawat araw.
Hindi gaya sa lungsod na kapag wala kang pera ay magugutom ka talaga. Dito kasi ay puwede kang bumunot ng kamote o mamitas ng gulay at prutas sa iyong bakuran kapag masipag ka lang magtanim.
Siguradong palagi kang busog sa masustansiyang pagkain na inihain ng kalikasan para lang mapunan ang sikmurang mong gutom.
Masasabi mo talaga na kumportable sila at kuntento sa buhay na meron sila ngayon.
"Anong oras na? Bakit wala pa 'yang si Vicente?" nag-aalalang turan ni Aling Sonya sa asawa.
Habang lumalaki kasi itong sa Vicente ay tumitigas ang ulo nito na ayaw na mapagsabihan. Minsan kung saan nalang ito pumupunta na gabi pa kung umuwi.
Dali-dali namang hinanap ng mag-asawa ang anak saka nagtanong sa mga kakilala. Sabi ng isang kilala nila ay nakita nila itong tumungo sa bayan.
Labis ang pag-alala ng mag-asawa sa kanilang anak. Dalawang oras na kasi bago kumagat ang kadiliman. May kumakalat pang balita na may grupo daw ng mga bandido ang pakalat-kalat sa kanilang lugar.
Sabi pa nga ng iba ay nagnanakaw ito sa mga kabahayan at ang malala ay walang awa itong pumapatay.
Nang makarating ang mag-asawa sa bayan ay saktong nadatnan nila si Vicente.
Nakatambay ito sa isang malaking tindahan na masayang naglalaklak ng alak. May yosi pa ang kabilang kamay nito. Kasama nito ang tatlong binatilyo na sa tingin nila ay taga-rito sa bayan.
Bilang pagrespeto ng magulang nito sa kasamahan ng anak ay tinawag nila sa Vicente. Ayaw nilang mapahiya ang anak.
"Anak halika kana, kailangan na nating umuwi. May pag-uusapan pa tayo," mahinang sambit ng ama kay Vicente kaya nagpaalam na ito sa mga kainuman.
-----000-----
"Hindi ka na nahiya sa amin ng ina mo. Araw-araw kaming nagbibilad sa init ng araw sa bukid matustusan lang ang pangangailangan mo bilang nag-iisang anak namin tapos ito ang isusukli mo sa'min. Hindi kaba nag-iisip Vicente!?" bulyaw ng ama nito.
BINABASA MO ANG
TWISTED ALPHABET
Mystery / ThrillerHandog ko sa inyo ang ang mga letrang pagmumulan nang tilamsik ng dugo, nakakabinging sigaw at sakit na kahit sino ay hindi nanaising maramdaman. Discover the bloody secrets in every letter. If you know the TRUTH, don't SCREAM, If you HIDE, they wi...