M - MIDNIGHT

96 36 0
                                    

"Tol, nagchat ba sa'yo si Clark?" tanong ni Jake sa kaibigan nitong si Dennis

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Tol, nagchat ba sa'yo si Clark?" tanong ni Jake sa kaibigan nitong si Dennis.

Napansin kasi nitong wala pa si Clark sa taas ng double deck na kama.

"Wala pa naman tol, hayaan mo ang mokong na 'yon, mamaya andito na rin 'yan," sagot naman ni Dennis.

Hindi man lang niya binalingan ang kaibigan bagkus nakatutok lang ito sa sariling cellphone.

Halos limang taon na rin silang tatlong nagtatrabaho sa lungsod ng Manila. Lumuwas sila sa kanilang probinsya para baguhin ang sarili pati na ang estado nila sa buhay.

Sa loob ng kanilang apartment ay hati-hati sila sa kuryente at tubig. Nang makita nila ang apartment na ito ay napagpasyahan nilang dito tumuloy. Bukod kasi sa malaki ang espasyo ay may isang double deck na kama ito at isa pang kama na nasa kaliwang bahagi ng silid.

Ilang oras ang lumipas ay nakaidlip ang dalawa. Hindi na sila nag-atubaling antayin pa si Clark. Pagkatapos ng kanilang hapunan ay agad silang nagpahinga hanggang sa tuluyan na silang nakatulog.

-----000-----

Nabulabog ang mahimbing na tulog ni Jake nang marinig nila ang ilang beses na pagkatok ng kanilang pinto.

"Ano ba 'yan Jake! Ang ingay mo!" reklamo ni Dennis sa kaibigan nito.

Nakatalikod itong nakatulakbong na kala mo ay nilalamig.

"Timang, hindi ako 'yong gumagawa ng ingay. Si Clark ata baka lasing na naman!" turan naman ni Jake na naiinis na bumangon.

Naglakad ito patungo sa pinto kung nasaan ang kaibigan na kanina pa gustong pumasok.

Isasara na sana ni Dennis ang matang kumukurap-kurap nang biglang tumunog ang cellphone nito sa ibabaw ng unan. Agad niya naman itong kinapkap para kunin iyon.

Binuksan niya ang cellphone at napamura siya dahil sa brightness nito. Bumungad sa kanya ang isang mensahe na nagpagising nang tuluyan sa kanyang antok.

"Tol, pasensya late update. Bukas pa ako uuwi. Inaya ako ng boss ko sa birthday niya! Inuman na 'to!
-MokongnaClark. 11:59pm.

Sandaling napatigil si Dennis sa pagkalikot sa cellphone nito. Hindi niya alam kung bakit niya iniisip ang kahit ano-anong bagay dahil lang sa simpleng katok ng pinto.

"Kung hindi ang kaibigan namin ang kumatok sa pinto, sino? ani niya sa isip.

Iba ang kutob niya ngayon. Parang may mali. Hindi niya na rin narinig ang tinig ng kaibigang si Jake.

TWISTED ALPHABETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon