B - BEAUTY

183 44 4
                                    

Si Wendell ang tinaguriang campus princess ng kanilang paaralan dahil sa angking nitong kagandahan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Si Wendell ang tinaguriang campus princess ng kanilang paaralan dahil sa angking nitong kagandahan. Tila isang kawangis ni Aphrodite sa totoong mundo ang datingan nito.

Matangkad na babae si Wendell na may pangmodelong katawan. Malaporselana ang kutis nito. Idagdag pa ang tangos ng ilong na mala-dayuhan. Nakakaakit ang bilugang mata na may mapipilantik na pilik mata. Sinabayan pa ng kissable lips na kasing pula ng mansanas.

Para itong isang anghel na inihulog mula sa langit. Kahit sino man ang dumaan ay siguradong maiiwan ang mga tingin nito pabalik sa taglay nitong ganda.

Nasa cr ngayon si Wendell ng school kasama ang dalawang kaklaseng babae. Ang kasama niya ay todo lagay ng kolorete sa mukha at liptint sa bibig para makuha ang minimithi nitong ganda pero si Wendell ay simpleng pulbo lang sapat na.

Hindi niya kailangang magmukhang white lady para lumabas ang tunay na ganda. Ika nga natural beaty wins.

"Wendel ano ba talaga ang sekreto sa likod ng taglay mong ganda? Pabulong naman o," sambit ni Morgan habang nanalamin.

"Oo nga, matagal na tayong magkakaibigan pero hindi mo man lang na-share skincare mo sa'min," dagdag naman ni Shanley.

Abala sa pagspray ng pabango sa katawan.

"Girls kalma, sabi ko naman 'di ba wala akong masyadong nilalagay na mamahaling skincare from watson para lang gumanda. Hiling at dasal lang sapat na," ngising sagot nito na ikinangiwi ng dalawa.

-----000-----

Isang malakas na busina ang nagpatili kay Wendell habang tumatawid ng kalsada kaya napatigil siya sa gitna. Pinuntahan nito ang kotseng kulay asul sabay paghampas sa harap.

Lumabas mula sa kotse ang isang matangkad na lalaki. Parang may half blood na lahi ayon sa mukha nito.

"Mr. naman sasagasaan mo ba ako, dahan-dahan naman sa susunod, sayang ang ganda ko kung mamatay ako agad!" pagtataray nito na ikinangisi ng lalaking kaharap.

"Oww! how cute naman Miss ganda. Just chill and let's talk about it in a masinsinan way and besides ayaw ko ng iskandalo," malumanay nito turan na parang malalaglag ang panga ni Wendell pero itinago niya ito.

"Pangit naman siguro pag-easy to get dapat pahirapan. Hindi isang piece of cake ang ganda ko kaya stay Maria Clara," bulong nito sa isip na kunwari mataray pero ang loob ay nagdiriwang.

"Miss any words? I want to settle this right now, before it's too late," ani ng lalaki sa nakatulalang si Wendell.

" I'm sorry nahihilo lang ako," maarte nitong akto na hinilot-hilot pa ang sentido na kunwaring sumasakit ang ulo.

Agad siyang dinaluhan ng lalaki at ipinasok sa sasakyan nito. Tinanong siya nito na ihahatid kaya tumango nalang siya.

-----000-----

Agad na inihanda ni Wendell ang pagkain para sa bisita nito. Siya na ang nag-insist na magstay muna ito para mapag-usapan ang nangyari kanina.

Maayos naman kausap ang lalaki kaya pumayag ito tutal day off daw nito sa pinapasukang kompanya.

"Ito na ang dinner natin Mr. Ashford, feel at home eat all you can including me, hmm just kidding," tawang sabi nito sabay lapag ng mga putaheng nagpagutom kay Ashford.

"You're such an angel." malambig na bigkas nito ng salita na may kasama pang titig.

"Shhhh, just eat your dinner," pagtakakip ni Wendell sa labi ng lalaki.

Sumandok na ito ng kanin at ulam sabay lagay sa pinggan na nasa harap.

-----000-----

"Wake up baby boy," nakakaakit na paggising ni Wendell kay Ashford.

Kapwa walang kahit anong damit ang dalawa. Ang pinagkaiba lang ay nakatayo si Wendell habang nasa harap nito si Ashford na nakatali patiwarik.

"Hmmm," tanging ungol lang ang nagawa nito dahil sa telang nakalagay sa bibig.

Kinuha ni Wendell ang telang nakapaslak sa bibig nito na siyang nagpa-ingay sa loob ng cr na iyon.

"Fuck! I thought we already settle this!" galit na sigaw ni Ashford na halos patayin na sa tingin si Wendell.

"Shut up!" pagsigaw nito saka hiniwaan ang dibdib ng lalaki.

Inilagay nito ang kutsilyo sa gilid ng bathtub saka humiga. Kinuha nito mula sa gilid ang karit. Maigi niyang iginuhit ang talim niyon sa leeg ng lalaki.

Tila isang ulan para sa kanya ang likido na umaagos mula sa butas ng leeg nito.

Niligo nito sa sarili sa mainit na dugo ng lalaki saka hinaplos sa buong katawang hubad. Nagpakasawa ito hanggang sa kahuli-hulihang patak ng dugo bago tumayo.

Kinuha nito ulit ang karit. Pinutol nito ang lubid na nakatali sa paa ng lalaki dahilan para malaglag ang katawan nito sa baldosa ng cr na iyon.

Sa paglaglag ng katawan ni Ashford ay umagos mula sa ulo nito ang dugo. Mula sa kung saan ay lumabas ang isang maliit na nilalang na kasing laki ng sanggol.

Lumapit ito sa duguang katawan ni Ashford. Sinimulan nitong sunggaban ang hilaw na balat ng lalaki na parang uhaw sa laman ng tao.

"Enjoy your meal baby," ani Wendell sa nilalang na pinagsawaan ang pagkain na nakahandusay.

"Sometimes beautiful faces hides the deepest secret."

TWISTED ALPHABETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon