Nagmamadaling pumasok sa loob ng cr ang lalaking estudyante. Halos banggain na nito ang mga estudyanteng nasa harap niya. Pagpasok niya sa loob ay agad itong pumasok sa huling cubicle saka ni-lock iyon.
Isang mahabang katahimikan ang naging kasama niya sa loob. Nakaupo lang ito sa bowl na tila hinahabol ang hininga.
Ilang sandali pa ay narinig niya ang mga yabag na papalapit kaya napasiksik siya sa gilid habang niyayakap ang mga bag. Sa tantiya niya ay tatlong lalaki ang pumasok sa loob ng cr.
"Isara mo ang pinto," utos ng isang kasamahan nito.
"Nalintikan na! Nahanap na ng awtoridad ang katawan ng kapatid mo!" may kalakasang turan naman ng isa.
"Wala kayong dapat alalahanin pa, ako ang bahala sa—" naputol ang sinabi ng lalaki ng marinig nito ang pagtunog ng ringtone sa huling cubicle kaya matulin silang pumunta sa parteng iyon.
Nang dahil sa narinig ng lalaki na nakaupo sa cubicle ay agad niyang kinuha ang cellphone mula sa loob ng bag. Ni-record nito ang salitan ng mga usapan ng mga estudyanteng nandoon.
Sa hindi inaasahang pangyayari ay biglang tumunog ang ringtone nito. Dahilan iyon upang maging magulo ang sitwasyon niya ngayon.
Ilang malakas na katok na halos sinusuntok na ang pinto. Halos masira na ang lock ng pinto ng cubicle. Sa huling pagkalabog ng pinto ay nahiklas ang lock doon saka tumilapon sa kung saan.
Bumulaga sa kanya ang tatlong lalaking nakasuot ng pulang maskara. Mula sa bulsa ay kinuha ng isang kasamahan nito ang isang maliit na kutsilyo saka lumapit sa lalaking nakaupo sa bowl. Bago pa man lumapat sa balat nito ang talim ay nandilim ang paligid kasabay nang pagkawala ng malay tao nito.
-----000-----
"Mr. Buenaferriz! Hindi ito oras ng pagtulog kundi oras ng klase!" dumagundong ang malakas na tinig ng guro na nasa harapan. Nakatuon ang tingin nito sa natutulog na lalaking estudyante.
Napaangat ang ulo lalaking estudyante. Medyo antok pa ang mga mata nito. Nagulat ito nang malamang nasa kanya ang atensyon ng lahat. Nakikita niya ang ibang kaklase na naghagikhikan habang ang teacher niya ay nakatingin sa kanya ng matalim.
BINABASA MO ANG
TWISTED ALPHABET
Misteri / ThrillerHandog ko sa inyo ang ang mga letrang pagmumulan nang tilamsik ng dugo, nakakabinging sigaw at sakit na kahit sino ay hindi nanaising maramdaman. Discover the bloody secrets in every letter. If you know the TRUTH, don't SCREAM, If you HIDE, they wi...