O - OBSESSION

96 35 0
                                    

SISINGHAP-SINGHAP na namulat ang namumugtong mga mata ni Liam

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SISINGHAP-SINGHAP na namulat ang namumugtong mga mata ni Liam. Pawang kadiliman lang ang kanyang nakikita.

Napakislot pa siya nang igalaw niya paangat ang kanyang ulo dahil sa pamamaga sa leeg nito. Nakaramdam siya ng pangangalay sa buong katawan.

Hindi niya alam kung oras ba o araw ang itinagal niya sa ganoong posisyon. Nakatayo siya habang nakataas ang dalawang kamay na nakakadena. Nakabuka ang mga paa na kapwa may nakapulupot na kadena sa magkabilang gilid.

Uhaw, pagod at sakit ang dumadaloy sa kanyang pagkatao. Wala siyang ibang maalala pagkatapos siyang mawalan ng malay sa gitna ng kagubatan nang gabing tumatakbo siya palayo sa humahabol sa kanila ng nobya niyang si Andrea.

Nabuo ang konklusyon sa kanyang isipan na baka napaslang na ito ng mga tumutugis sa kanila ng araw na iyon.

Mula sa kung saan ay narinig niya ang tunog ng takong na papalapit kung saan siya ngayon. Huminto ang tunog kasunod ng paglagitnit ng bakal na pinto.

Isang malamlam na kulay dilaw na ilaw ang bumaha sa buong sulok. Napapikit si Liam pero maya't maya ay naimulat niya ang mga mata.

Isang pamilyar na mukha ang kaharap niya ngayon. Nakakakilabot ang dala nitong ngiti sa labi, pati na ang ekspresyon ng mata nito na parang gusto siyang patayin sa isang tingin.

"Hayop ka! Paano mo nagawa sa akin ito!" galit nitong sigaw sa kaharap na babae.

"Ako dapat ang magtanong, paano mo nagawa sa kapatid ko ang bagay na 'yon? Alam kong ikaw ang salarin. Pagkatapos mo siyang pagsawaan ay itinapon mo nalang ang katawan niya na parang basura at ang mas malala idinamay mo ang anak nito sa kanyang sinapupunan na wala man lang kahit anong kasalanan!" may sakit sa pusong sagot niya kay Liam na nagpatikom sa bibig nito. Napayuko ito sa kahihiyan.

Napaangat si Liam nang umalis ito sa silid na iyon. Sa pagkawala ng taong iyon sa paningin niya ay siya namang pagpasok ng dalawang tao.

Hindi siya nagkakamali, ito ang humahabol sa kanila sa kagubatan. Nagpupumiglas si Liam ngunit walang silbi ang mga kilos na iyon. Papalapit na ang mga ito sa kanya.

Sa pagsara ng bakal na pintuan ay isang palahaw ang maririnig sa basement. Nagbingi-bingihan nalang siya na parang walang narinig.

TWISTED ALPHABETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon