CHAPTER 10

15 2 4
                                    

"Oh ang aga mo yata ngayon?" Tanong ni Macy ng madatnan niya ako sa sala habang nagkakape. Halatang inaantok pa siya dahil nakapikit pa ang isa niyang mata.

"Wala akong maayos na tulog eh." Sagot ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Ang dami ko'ng iniisip. Una yung kay Taylor, pangalawa yung kay Vincent, pangatlo yung kay Spencer. Naguguluhan ako sa mga iniasta nila, parang ayaw pa mag sink in sa utak ko lahat ng nangyari.

"Halata nga sis, laki ng eyebags mo oh." Humikab siya sabay upo sa tapat ko. 6:30 am palang pero kanina pa ako nagising mga bandang 5:40 kaya agad akong bumaba para magkape.

"Eh, ikaw ba't gising kana?" Pagbabalik tanong ko. Napangiwi lang siya.

"Wala lang feel ko lang gumising ng maaga." Hindi ako kumbinsido sa sagot niya. Naglilihim naba ang babae na'to sakin?

"OK sabe mo eh." Iyon nalang ang sagot ko. Ayoko ding pilitin siyang sabihin sakin, bahala na siya king mag oopen up siya or hindi. Ang mahalaga ay nagtanong ako at handa akong makinig.

"May susundo sakin." Napalingon ako sa kanya. Kunot noo ko siyang sinuyod ng tingin na para bang hindi ako makapaniwala, no, talagang hindi ako makapaniwala. Sino naman ang susundo sa kanya. "Si Sean James." Dagdag pa niya na parang nahulaan yung iniisip ko.

"Oh? Talaga? Akala ko ba badtrip ka sa lalaking yun? Lumevel up na kayo?" Inosenteng tanong ko at napakamot naman siya sa kanyang batok. Aba guilty! May hindi talaga sinasabi samin 'to.

"Friends na kami." Maikling sagot niya na ikinalaki ng mata ko.

"Ang bilis naman." Hindi makapaniwalang sagot ko. Nung nakaraang araw lang kasi ay halos durugin niya si Sean habang kinukwento sa amin ang pag prank sa kanya pero heto siya ngayon at sinasabing friends na sila. Wow!

"Bakit bawal?" Napanguso siya kaya natawa ako.

"Hindi naman I mean—kasi diba ang bilis lang ng pangyayari." Napapailing na sabe ko. Sasagot pa sana siya ng marinig namin yung doorbell kaya tumayo ako para buksan ang pinto.

"Good morning." Bungad ng taong pinagbuksan ko ng pinto at halos mapatalon ako sa gulat. Napakurap kurap pa ako kung totoo ba yung nakikita ko o Baka namamalik mata lang ako. "Hindi mo man lang ba ako papapasukin?" Inis na tanong niya. Aba, kung makaasta 'to parang bahay niya ah.

"W-what are you doing here?" Tanong ko dahil naguguluhan ako king bakit siya nandito eh wala naman kaming inaasahan na bisita.

"Tsk, ang babae na yun talaga." Inis na bulong niya. Sino yung tinutukoy niya? Si Haedine?

"Wow, so early naman bro." Napalingon ako sa pababang si Haedine at nasa likod naman si Regine na halatang kakagising lang din at nagulat pa siya ng makita si Vincent. Pinapasok ko nalang ito at iginiya para maupo sa sofa.

"Anong meron?" Kunot noong tanong ni Regine. Si Macy naman ay nakipag kwentuhan kaagad kay Vincent na para bang wala siyang pakealam kung anong isipin namin. Sa bagay close naman kasi sila eh.

"Sorry for not telling you guys, I forgot kasi." Paumanhin ni Haedine at kumuha ng tubig sa ref sabay inom. "We have a group project kaya siya nandito, actually may dadating pa na mga kasama namin ok lang ba na dito kami gumawa? Wala kasi kaming mahanap na ibang place eh." Paliwanag ni Haedine. Napatango naman si Regine sabay tingin sakin na hinihintay ang sagot ko. Napabuntong hininga nalang ako.

"It's ok." Tipid na sagot ko. Ngumiti naman si Haedine kaya tipid ko din siyang nginitian kahit ayoko. Ewan ko kung bakit hindi ko magawang maging friendly sa kanya. Hindi talaga ako komportable.

Love The Rain (Sassy Ladies) - Series #1 | On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon