Dahil after party na ngayon ay may kanya kanya na kaming mundo. Nasa ground floor sina papay kasama ang mga business partners nila. Ang other relatives naman namin ay nasa 2nd floor. Si kuya Josh naman with his friends ay nasa 3rd floor. Kami ng mga kaibigan ko ay nandito sa 4th floor at nasa 5th floor naman ang debutant ko na kapatid with her friends. May kanya kanyang swimming pools ang kada floors kaya nagdecide kaming mag night swimming ngayon. Nakapagpalit na kami ng swimsuits and nag iinuman na kami ng wine habang nakalublob ang paa namin sa gilid ng pool.
"Ano ba yang iniinom niyo walang thrill." Reklamo ni Spencer nang mapansin niya ang iniinom namin nina Macy.
"Pake mo?" Pagsusungit naman ni Regine bago nagsalin ng panibagong wine sa baso niya.
"Dapat yung hard."
"Sa baba maghanap ka ng hard." Suggestion naman ni Macy na ikinasimangot ni Spencer.
"Nakakatamad naman bumaba."
"May elevator ash hindi ka naman maghahagdan."
"Mainit sa loob ng elevator ayoko pagpawisan."
"Alam mo Spencer, lumayo ka ng konte sakin baka masapak kita." Pagbabanta ni Regine at awtomatiko namang napatakbo palayo si Spencer habang tumatawa.
"Whooo! Mga pre kuha tayo ng hard drinks sa baba!" Sigaw pa niya sa mga kaibigan.
Napailing nalang ako at sumimsim sa wine ko. "Sabagay may point si Spencer, mas may thrill nga kung hard drinks iniinom natin." Napataas ang isang kilay ko dahil sa sinabi ni Macy.
"So ano switch drinks na tayo?" Tanong naman ni Regine. Kanina kumokontra pa siya pero ngayon mukhang trip niya din pala.
"Tara! Ano Jessa G?" Sabay silang lumingon sa gawi ko.
"Ayoko." Sumpleng sagot ko.
"Ang kj naman nito minsan lang eh." Napasimangot si Regine.
"Ayoko malasing delikado." Naalala ko bigla nung nalasing ako at kung ano ano ang mga pinanggagawa ko. Ayoko maulit yun noh baka kung ano pa ulit yung kalokohang magawa ko.
"Ay oo nga pala, may saltik ka pag nalalasing." Grabe naman maka-saltik to si Macy akala mo talaga hindi siya nagkakaganon pag siya yung nalasing.
"Kayo na lang mag hard drinks." Sagot ko at nilapag ang wine glass ko para bumaba sa pool. Hindi ko na sila hinintay na makasagot dahil nag swimming na ako mag isa.
After 20 mins na paglalangoy ko mag isa, napatigil ako ng tawagin ako ng mga kaibigan ko. Kung kanina tatlo lang kami nina Macy sa gilid ng pool, ngayon naman ay naroon na din ang mga boys kasama sina Haedine at Milca. May mga hard drinks na doon at mga snacks. Lumangoy ako papalapit sa kinaroroonan nila at nang makalapit ako ay hindi ko inaasahang sasalubungin ako ni Vincent.
"Yun oh! Dumadamoves na kaibigan niyo mga pre oh!" Kantyaw ni Spencer kaya nagsimula na silang manukso.
Inilahad ni Vincent ang kamay niya sakin para makaakyat ako paahon sa pool. Nahihiya man ay tinanggap ko nalang iyon hanggang sa makaupo ako sa gilid ng pool katabi niya. Kung hindi ako basa, paniguradong pinagpapawisan na ako sa kaba ngayon. "Salamat." Sabi ko bago umiwas ng tingin.
"Tama nang harutan yan. Oh Vince tagay mo." Iniabot ni Franz kay Vincent ang basong may laman na alak at naamoy ko pa ang tapang non. Mabilis iyong tinungga ni Vincent bago binalik kay Franz ang baso.
Napababa siya ng tingin sa akin ng mapansin niya na nakatitig ako sa kanya. "Bakit?" Kunot noong tanong niya.
"Baka malasing ka." Hindi ko pa naman nakikita kung paano siya malasing o kung nalalasing nga ba siya pero hindi ko alam bakit parang nag aalala ako sa kanya. Tama ba to?
BINABASA MO ANG
Love The Rain (Sassy Ladies) - Series #1 | On Going
Novela Juvenil"Rain is not only drops of water. It's the love of the sky for the earth. They never meet each other but sends love this way." "I am your Rain and you were my world, catch me when I fall." - Jessa Rain Flores "How could I hate the rain when it falls...