CHAPTER 9

38 4 1
                                    

Maagang natapos ang practice kaya maaga din kaming nakapag pahinga. Si John ay absent at hindi ko alam kung bakit, isa siya sa Magagaling mag clarinet player at siya din ang pinakamabait at Matino sa barkada nila Vincent including Taylor, Ashton, and Franz close naman kami dati pero hindi na ngayon. Basta mahabang kwento.

Lumabas na lang ako ng music room at Dali Daling nagtungo papunta sa dati naming tambayan. Mag isa lang ako ngayon dahil nasa kanya kanyang practice ang mga kaibigan ko. Nasa Dance club si Macy kaya paniguradong mamayang hapon pa makakatapos yun, si Regine naman ay busy din sa training dahil siya ang pambato namin sa Cooking category sa darating na Microlympics, si Haedine ay hindi ko alam kung anong ganap sa buhay. Hindi rin naman ako interesado sa kanya kaya wala na akong pakealam kung anong gawin niya sa sarili niya. Si Milca naman ay namimiss ko na, ano na kayang nangyari sa kanya?

Inilabas ko nalang ang gitara ko mula sa kaheta nito. Kapag mag isa ako ay ito lang ang tanging libangan ko. Naupo ako sa bermuda grass sa ilalim ng malaking puno dito sa garden. Presko ang hangin at napaka peaceful kaya paborito namin itong tambayan. Nagsimula na akong tumugtog sa gitara ko. Inalala ko kung paano kami nagkakilala ng mga kaibigan ko at napangiti nalang ako nang maalala ang mga kalokohang naiisip minsan nila Macy at Milca. Ang sarap balikan ng mga araw na pare parehas pa kaming may oras sa isat isa, yung tipong lagi kaming magkakasama at nasa iisang classroom lang. Yung mga panahong hindi pa namin pinoproblema ang takbo ng buhay namin dahil masaya na kami at kuntento sa kanya kanya naming buhay.

"Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap." Napalingon ako sa biglang nagsalita sa likuran ko. Si Vincent pala. Lumapit siya sakin at naupo sa tabi ko.

"You really good in singing." Biglang sabe niya habang nasa gitara ko ang paningin. Napatingin naman ako sa kanya, nakakapanibago ang seryoso niyang mukha ngayon.

"Not really but thank you anyway." Nakangiting sabe ko. He smiled back without looking at me. Hindi ko alam kung tama ba ang nakita ko. First time niyang ngumiti sa harap ko pero parang pilit lang. Pansin ko ding parang may mabigat siyang dinadala maliban sa bag na nakasabit sa likod niya. Ok Jessa hindi nakakatawa yun! Slow yung nagbabasa kaya hindi niya na gets yung joke mo.

"I remember someone in you..." mahinang sabe niya na ikinakunot ng noo ko.

"Who?" Kunyaring tanong ko kahit hindi naman talaga ako interesado sa sinasabi niya. Pinapakisamahan ko lang siya ng maayos dahil ayokong magbangayan nanaman kami.

"Someone that really meant to me..." he answered na agad na pumukaw sa atensyon ko. Is he sharing something to me? Bigla namang nabuhay ang curiousity ko kaya nakinig ako ng maayos. "Someone that I really love the most..." he added. Nakatingin lang ako sa kanya habang siya ay nakatingin sa malayo na para bang nakikita niya doon ang taong tinutukoy niya. "In short, she's my first love but not my last..." he said almost whispered the last word. Nakita ko naman ang biglang pagbago ng expression ng mukha niya. Biglang naging malungkot ang awra niya at parang hinaplos ang puso ko dahil sa lungkot na nakikita ko sa nga mata niya. Hindi ko maimagine na ang dating hinahangaan ko at pangarap kong makausap at makasama ay nandito ngayon kasama ko na at nakakausap ko pa sa ganito kalalim na pag uusap. Pero imbes na maging masaya ay parang kinurot pa ang dibdib ko. Sa pagkakaalam ko ay wala pa siyang nagiging girlfriend pero sino ang tinutukoy niya? O Baka naman nagkaroon na talaga siya ng girlfriend dati pero private relationship lang. Napaiwas ako ng tingin ng bigla siyang mapalingon sakin.

"Ikaw ba? Do you still love Taylor or you had someone new?" Tanong niya na ikinabigla ko. Halos manigas ako sa kinauupuan ko dahil sa mabilis na pagkabog ng dibdib ko. Hindi kaagad ako nakapagsalita. Dahan dahan akong napalingon sa kanya at nagulat pa ako ng magsalubong ang mga tingin namin. Normal lang naman ang tingin niya pero parang feeling ko ay natutunaw ako kaya ako nalang ang nag iwas ng tingin. Wala akong maisip na isagot at para bang naubusan na ako ng sasabihin. Bakit ba kase ganitong topic ang naisipang itanong nito?

Love The Rain (Sassy Ladies) - Series #1 | On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon