CHAPTER 18

9 3 1
                                    

Natigilan ako dahil sa sinabi ni Vincent. Tama ba yung narinig ko? O baka guni guni ko lang.

"A-ano?" Wala sa sariling Tanong ko.

"Just kidding." Natatawang sagot Niya sabay kindat at tinalikuran na ako. Napaawang ang labi ko dahil sa inakto Niya. Narinig ko Naman ang panunukso ng mga kaibigan Namin.

Maya maya lang ay nagsimula na ang meeting. Natahimik ang Lahat ng dumating na yung admin, CSC adviser, GC and other staff. Malaki yung conference room kaya kasya Lahat ng college students and High school officers.

Pinakilala ni Vincent si Haedine bilang newly CSC secretary and nag nomination para sa mga tatakbo bilang representatives ng bawat course, grade/year level and clubs ng school. Fixed na daw yung nasa higher positions dahil Wala na kaming time para sa campaign and so on.

"I nominate Jessa Raine Flores for ACT representative." Napalingon ako sa malakas na nag nominate ng pangalan. Lintek na Spencer to hindi pa nga nakakabawi sa kasalanan Niya Sakin, dinagdagan Niya pa.

"Objection!" Agad akong tumayo para tumanggi.

"Sorry bawal objection dito." Agad namang sagot ni Vincent na ikinalaki ng mga mata ko. Pwede ba yun? Mas lalo pa akong nainis nang bigla siyang kumindat at nag smirk. "Wala nang lalaban sayo kaya ikaw na yung panalo."
Napa 'ooooohhhh' naman yung nga estudyante dahil sa sinabi Niya.

"What?" Inis ko siyang pinandilatan. Hindi ako komportable sa pagtrato Niya Sakin ng ganito sa harap ng karamihan baka ma-issue kami.

"Panalo kana sa puso ko." Ngumiti Siya ng mapang asar at nagsigawan Naman kaagad yung mga estudyante including our friends. Kinilig sila don? Baduy!

Dahil sa kahihiyan ay bumalik nalang ako sa pagkakaupo. Gosh! Feeling ko tuloy ay pulang pula na yung mukha ko. Ano bang trip ng lalaking yun?

"Nomination pala to papasok sa puso mo Vince? Hindi mo naman sinabi kaagad sana nag volunteer na ako!" Biglang sabat naman ni Spencer at dahil don ay nagtawanan naman ang mga estudyante. Epal talaga hayss.

"Hindi tayo talo pre, kinikilabutan ako sayo." Vince answered. Para silang timang hindi ba sila nahihiya?

Natapos ang election of representatives nang puro tawanan at kalokohan ni Spencer ang nangibabaw. Laking pasasalamat ko dahil sa wakas ay makakawala na din ako sa pang aasar nila sakin pero bago pa man matapos ang meeting ay nagkaroon pa ng final introduction ang lahat ng officers nang hindi ko inaasahan.

"Now, let's call on our newly elected officers with our representatives this school year! Please join with us here in front. Show yourselves with everyone and have a short introduction before we end this meeting." Masayang panawagan ng emcee.

Wala na akong nagawa nang ipagtulakan na ako ng mga kaibigan ko. Pumunta na ako sa harapan kasama ang ibang officers at kaibigan ko na na-elect din.

"Hello everyone! I'm Maxwell Vincent Garcia an Architect student. For those who don't know me yet, I'm your CSC president."

"Hi Mccnians! I'm Taylor Jade Salvador. Future business man, kung di papalarin future mo nalang. CSC vice president." Naghiyawan ang karamihan ng babae kaya napataas ang isang kilay ko.

"I'm Haedine Angel Santiago an Architect student. CSC secretary."

After ni Haedine ay nagpakilala din ang ibang officers Hanggang sa representatives na ang next.

"I'm John Mackenzie Santiago. Computer engineering student. CPA representative."

"Hello po, I'm Sacha Regine Oler. HRM student representative."

Love The Rain (Sassy Ladies) - Series #1 | On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon