CHAPTER 11

13 3 1
                                    

Buti nalang at bumuhos ang ulan kaya dali dali kaming nagsibabaan. Dumeretso kaagad ako sa kwarto samantalang sinamahan naman nila Macy at Regine ang boys sa guest room para makapag pahinga. Nang buksan ko ang laptop ko, bumungad kaagad sakin ang email ng school na nagsasabing wala muna kaming pasok ngayon dahil may paparating daw na bagyo. Ilang minuto pa ako nagbasa ng news bago napag pasyahan na maligo. Pagkatapos ay lumabas ako saglit para i-check sila.

"Sakto lumabas kana, tara sa sala naghihintay na sila." Salubong sakin ni Regine na ikinakunot ng noo ko.

"Anong meron?" Nagtatakang tanong ko.

"May pag uusapan daw eh." Nagkibit balikat lang siya at naglakad na pababa.

Hindi pa ba sila kuntento sa pag uusap nila? Bababa na din sana ako ng maalala ko bigla ang katangahan ko kanina. Napaatras ako at akmang babalik na sa kwarto ng may marinig akong boses na nagsalita malapit sa likuran ko.

"Aren't you going down to join us?" Napatigil ako sa lamig ng Boses niya. Normal lang naman yun pero ang lakas ng epekto sakin. Halos manigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa magkahalong kaba at hiya na nararamdaman ko. Hindi ko siya magawang lingunin dahil nanatili lang ako sa kung anong posisyon ko pero feeling ko ay hindi na ako makagalaw.

"Vincent! Jessa! Baba na kayo Jan tara na dito." Dinig ko'ng sigaw ni Macy. Naramdaman ko naman ang paglakad pababa ni Vincent kaya nakahinga ako ng maluwag. Mabilis akong bumalik sa kwarto ko at nag lock ng pinto. Hindi ko pa kayang harapin si Vincent matapos ng nangyari kanina. Hindi naman ganun kakapal ang mukha ko kaya pinagsisihan ko talaga na sumagot pa ako sa laro namin kanina.

Lumabas ako sa veranda ng kwarto ko at naupo sa single sofa. Ito yung favourite part ko kapag umuulan. Ang mag muni muni.

"Hi my dear friend." Nakangiting bati ko sa Ulan. "It's been a month bago ka bumalik..." Halos 2 months din ang lumipas na Hindi pa umuulan. "Namiss kita, ako ba namiss mo?" Natawa ako sa sinabi ko. As if naman sasagot talaga yung ulan sakin. "OK lang kahit dika sumagot, alam ko namang miss mo din ako." Sabihan niyo na ako ng baliw, bahala kayo Jan kanya kanyang trip 'to. Wahahahah.

"Dear Rain, may ikukwento ulit ako sayo ngayong araw." Inilahad ko ang kamay ko sa tumutulong ulan mula sa labas at nakapikit na dinama ang bawat pagpatak nito.

"Alam mo bang may katangahan akong nagawa ngayong araw?" Natatawang kwento ko. "Umamin ako sa harap nila na crush ko si Vincent tapos diko naman alam na nasa likod ko na pala siya, halos maiyak ako sa sobrang hiya kanina." Naalala ko nanaman ang senaryo namin kanina sa rooftop. "Buti nalang dumating ka, sinave mo ako." Natatawang sabi ko at pinaglaruan na ang tumutulong ulan sa kamay ko. "Nakakatawa no? Tingin mo ano kayang iisipin sakin ni Vincent?"

"Crush ko lang naman siya diba? Wala namang kaso yun, normal lang naman sa Tao yun." Tumingala pa ako at malungkot na pinagmasdan ang papalakas na ulan.

"Hindi naman siguro ako maiinlove sa kanya diba? Diba Rain?" Para akong tangang naghahanap ng sagot sa ulan kahit hindi naman ako nito masasagot. Napabuntong hininga nalang ako at inalis na ang mga kamay ko sa tulo ng ulan. "Change topic tayo." Pag iiba ko ng usapan.

"Kamusta na kaya si Milca no?" Hindi na siya nagpaparamdam at kahit kami ay Hindi na siya macontact. Nag aalala tuloy kami.

"Tingin mo OK lang kaya siya?"

"Miss ko na ang babaeng yun, ikamusta mo naman ako sa kanya." Nangilid ang luha ko. Ang babaw talaga ng luha ko kahit kaylan.
"Sana magkita na kami ulit--"

"Jessa hoy!" Natigil ako sa drama ko dahil sa malakas na katok sa pinto ng kwarto ko. Dali dali kong inayos ang sarili ko bago pumasok ulit sa loob at pinagbuksan ng pinto yung dalawa na sumisigaw. Kala mo may sunog lang!

Love The Rain (Sassy Ladies) - Series #1 | On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon