CHAPTER 15

10 2 0
                                    

Nagising ako sa sakit ng ulo ko. Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at bumangon mula sa kama. Teka, Anong nangyari kagabi?

Napalingon ako sa pinto ng bumakas yun at pumasok si Macy may dala dalang tubig at gamot. "Buti Naman gising kana."

"What happened last night?" Kinusot kusot ko pa ang mata ko. Nilapag Niya sa side table yung baso na may tubig at yung gamot na dala Niya. Natigilan ako ng marinig ang tawa Niya. Kaya kumunot ang noo ko.

"Akala ko lasing ka pa eh. Nag eenglish ka pa din Kasi." Tumatawa pa ding sagot Niya. Naguluhan Naman ako sa sinabi Niya. Ano bang nangyari?

"I can't remember anything..." Mahinang sabi ko at mas lumakas yung tawa Niya. Halos mag lumpasay na Siya sa sahig kakatawa kaya binato ko Siya ng unan para matigil Siya. Nasalo Niya Naman yun at tumingin Sakin, natatawa pa din. "Stop laughing Macy." Inis na sabi ko kaya tumigil Naman Siya saglit pero natatawa pa din Siya.

"Lasing ka pa din ata prend." Natatawang sabi Niya. Sinamaan ko Siya ng tingin dahil nawewerduhan na ako sa kanya. "Ganyan na ganyan ka Kasi magsalita kagabi. Lakas mo pala uminom noh? Tapos englishera ka pa." Malakas nanaman siyang tumawa, hindi maka get over.

"Ano? Wala nga akong maalala eh, ano bang nangyari? Sino nagbihis Sakin?" Tumingin pa ako sa suot ko dahil umiba na yun.

"Alalahanin mo nalang. Sige na maligo kana dahil amoy alak ka pa din, baba ka nalang dahil 12:30 pm na dika pa kumakain. Tindi ng hang over mo prend." Tumawa nanaman Siya ng malakas at iniwan ako ng walang pasabi. Napasimangot nalang ako at ininom ang gamot na dinala Niya.

Naligo na din ako mga 30 mins dahil inaalala ko pa din kung Anong nangyari kagabi. Bakit Wala akong maalala? Ang huli ko lang naalala ay nung nagpaalam si Haedine pero diko masyadong matandaan Kasi putol putol yun.

Pagkatapos kong magbihis at mag ayos ng sarili ay bumaba na din ako. 1 pm na pala bago ako natapos. Naabutan ko sila sa sala na nagtatawanan at natigilan lang noong mapansin Nila akong papalapit sa kanila.

"Good afternoon sunshine!" Sigaw ni Spencer kaya inirapan ko Siya.

"Kamusta tulog mo? Maganda ba?" Natatawang tanong ni Franz.

"Hindi, masakit ulo ko." Napasimangot ako.

"Kumain kana." Natigilan ako ng biglang magsalita si Vincent. Diko inaasahan yun ah. Napaubo ubo pa sina Spencer, Franz at John. Samantalang nanunukso Naman Sina Macy at Regine.

"Okay." Yun lang ang naging sagot ko at mabilis akong nagtungo sa kusina.

Narinig ko pa ang malakas na tawanan Nila ng umalis ako. Napailing nalang ako dahil Wala Naman akong maintindihan sa mga pinagkukwentuhan Nila.

Habang nasa kalagitnaan ako ng masarap na pagkain ko ay bigla namang sumulpot sa harapan ko sina Macy at Regine. Nakangiti sila ng mapang asar nang tignan ko.

"What?" Inis na tanong ko.

"Wala ka talagang maalala?" Natatawang tanong ni Regine.

"Mukha bang meron Regine? Alam niyo kanina pa ako napipikon, bat Kasi di niyo nalang sabihin para maalala ko Diba?" Inis kong tinapos yung pagkain ko dahil nawalan na ako ng gana.

"Kalma lang prend. Baka pag naalala mo dika na lumabas ng kwarto mo." Natatawang sagot ni Regine na sinabayan ni Macy. Natigilan ako saglit at napatingin sa kanilang dalawa. May kahihiyan ba akong ginawa?

"Ano nga Kasi yun?!" Nababadtrip na talaga ako pero tumigil lang sila kakatawa at nginitian ako ng mapang asar.

"Wag mo na alalahanin." Napalingon kami sa nagsalita, nagtama kaagad ang tingin Namin ni Vincent kaya napaiwas ako sa hindi malamang dahilan. Naghugas nalang ako ng platong kinainan ko at napansing kong bumalik Naman si Vincent sa sala.

Love The Rain (Sassy Ladies) - Series #1 | On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon