CHAPTER 22

26 2 2
                                    

The party was already started. Some of my father's business partners are already here pero may mga malelate pa daw ng konti. My other relatives have their own table. Sina Mamay at Papay ay nasa iisang table naman Kasama ang business partners ni Papay. Nasa malaki at mahaba silang table na nasa center. Yung ibang seats ay bakante pa dahil wala pa yung 2 business partners ni Papay na Kasama din ang wife at anak I think. Ipinakilala na din ako ni Papay sa family ng matandang business partner Niya. Isang matandang lalaki at babae, Kasama ang babaeng anak Nila na kaedad ko lang din yata. It's my first time to meet them kaya hindi ko sila kilala. After nila akong ipakilala ay bumalik na din ako sa table kung Saan naroon ang mga kaibigan ko.

"Sis haggard kana may after party pa." Pamumuna kaagad ni Macy nang maupo ako sa upuan ko kanina na katabi Niya.

"Hindi lang ako sanay na may ganitong party na nagaganap sa place Namin. I feel like nasa ibang party ako at bisita lang. Nakakapagod pala." Stress na reklamo ko. Kanina pa Kasi ako paikot ikot sa mga bisita Namin lalo na kapag may ipinapakilala ang mga kamag anak ko sa akin. Si kuya Josh ay nasa dressing room inaalalayan ang Kapatid kong debutant dahil hindi pa Siya tapos ayusan.

"Ngayon ko lang nalaman na madami palang business partners si tito Sam." Napalingon ako kay Regine. Napansin Niya din pala yun?

"Ako din naman." Sagot ko. Hindi ko alam kung bakit Wala akong masyadong alam sa business Nila Papay at hindi ko din alam kung sino sino ang business partners Niya. Wala din Naman Kasi nababanggit si mamay.

"Huh? Paanong hindi mo alam? Hindi ka naman anak sa labas?" Natatawang tanong ni Macy.

"Baliw. Wala naman Kasi nababanggit parents ko about sa business nila." Sagot ko Naman.

"Baka naman hindi ka nagtatanong." Napaisip ako sa sinabi ni Regine. Oo nga no? Hindi nga naman ako nagtanong kila mamay at Papay kung ano ba talaga yung business na yun.

Sasagot na sana ako nang may biglang tumawag Sakin.

"Raine!" Napasapo ako sa noo ko nang marinig ang Boses ni tita Ann papalapit sa table Namin.

Ngumiti nalang ako ng pilit pagkalingon ko sa kanya. "Yes tita?"

"Where's your boyfriend? Who among these handsome boys is your boyfriend?" Inosenteng Tanong niya habang tinitignan isa isa ang mga kaibigan ni Vincent.

Napatakip naman ng bibig sina Regine at Macy sa pagpipigil ng kanilang tawa. Gulat namang napatingin sa akin ang tatlong lalaki.

"Wala pa po Tita." Iyon nalang ang naisagot ko. Hindi ko alam kung paano sasabihin na hindi na makakarating si Vincent. I mean—imposibleng dadating pa Siya.

"What? So you're saying na malelate siya?" She asked to confirm it. "Well, it's ok we'll be patiently waiting for him ija..." She added. "I'll go back na pala. Anyway, nice to meet you all! Bye guys enjoy kayo here!" Maarteng paalam Niya sa mga kaibigan ko bago umalis. Hindi man lang hinayaan na makapagpakilala yung boys.

"Nakakatakot yung tita mo." Franz exclaimed nang makaalis na si Tita. Natawa ako at napailing na lang.

"Ang ganda ng lahi niyo ano? Ang gaganda ng mga pinsan mo." Komento naman ni Spencer nang may mapadaan na pinsan ko sa table namin at nag hi sa akin kaya ipinakilala ko na din sa mga kaibigan ko.

Napataas ang Isang kilay ko dahil sa sinabi ni Spencer pero bago pa ako makapagsalita ay naunahan na ako ni John. "Maghanap ka ng lolokohin wag lang yung pinsan ni Jessa baka masapak ka niyan." Pagbabanta kaagad niya sa kaibigan.

"Grabe Naman to! Nag compliment lang eh, bawal mag compliment ha?!"

"Kausapin mo yung hangin Ash." Pambabara naman ni Franz. 'Ash' ang nickname ni Spencer na minsan lang din naman Nila itawag sa kanya.

Love The Rain (Sassy Ladies) - Series #1 | On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon