CHAPTER 6

32 4 0
                                    

Napailing na lamang ako at pinapasok ang bisita kuno namin na makakasama. Guess who? Si Haedine Angel Santiago lang naman ang makaksama namin. Yes, yung baliw na babaeng parang kabute. Inihatid ko siya sa kanyang magiging kwarto. Kulay purple iyon at kumpleto na rin sa gamit. So, pinaghandaan pala talaga ni mamay ang pagtitira namin dito kasama ang babaeng ito.

See the picture shown below, iyan po ang design ng kwarto ni Haedine :)

"Bumaba ka nalang pagkatapos mo mag ayos para makasabay ka samin na kumain

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Bumaba ka nalang pagkatapos mo mag ayos para makasabay ka samin na kumain." Habilin ko bago lumabas ng kwarto niya.

Nadatnan ko naman ang tatlo na tahimik na habang ipinagpapatuloy ang pagkain. "Oh bakit ang tahimik niyo?" Takang tanong ko. Mukhang may malalim na iniisip ang mga bruha, malamang tungkol kay Haedine ang bumabagabag sa kanilang isipan. Hindi na ako magtataka kung tatanungin nila ako kung kamag anak ba namin ang babaeng iyon.

"Kaano ano niyo si Haedine?" Inosenteng tanong ni Macy. Hindi nga ako nagkamali talagang nagtataka siya kung bakit nga naman nandito si Haedine.

"Hindi ko rin alam eh, wala namang sinabi si mamay." Mabilis na sagot ko. I don't have any idea kung bakit dito tutuloy si Haedine. Hindi rin naman sinabe ni mamay ang dahilan.

"Wala akong tiwala sa babaeng iyon mukhang hindi maganda ang records niya eh." Nakangiwing ani Regine. Nung nakaraan lang naman namin siya nakilala at puro negative comments na agad ang naririnig namin sa kanya, siguro nga ay hindi talaga maganda ang recorda niya.

"Oo nga, I heard madami ng schools ang pinanggalingan niya dahil palagi siyang na ki-kick out. Ano kayang mga kalokohan ang pinagagawa niya?" Sabat naman ni Milca.

"Kilala ka namin sis, himdi ka basta bastang nakikipag kaibigan sa mga ganoong uri ng tao hindi ba?" Baling sakin ni Macy. Tama siya hindi talaga ako nakikipag kaibigan sa mga bad influencer. Ayokong masira ang pag aaral ko dahil pina prioritize ko ito kaya hindi ko alam ngayon kung papaano ko pakikisamahan si Haedine, hindi naman sa ayaw ko talaga sa kaniya, hindi lang talaga ako komportable.

"I don't know. Pakisamahan nalang natin ng maayos." Tanging sagot ko. Napabuntong hininga pa ako at tulalang napatitig sa kawalan.

"Hi guys!" Bati ni Haedine ng makalapit na sa amin. Nanahimik naman kami at pilit na nginitian siya. Iginiya ko naman siya sa bakanteng chair sa tabi ko at nagsimula na siyang kumain.

Nagkatinginan kaming tatlo at naiilang na pinagmasdan si Haedine. Para naman itong walang pakealam sa paligid at patuloy lang sa pagkain na animoy sarap na sarap sa kinakain.

"Ang sarap naman ng sinigang. Sino ang nagluto?" Inosenteng tanong nito at tumingin isa isa samin.

"Your future chef here." Nakangiting taas ng kamay ni Regine. Talagang tumataas ang confidence niya everytime na napupuri ang mga niluluto niya, hindi naman namin siya masisisi dahil magaling at masarap talaga siyang magluto.

Love The Rain (Sassy Ladies) - Series #1 | On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon