Ang kapal naman ng pagmumukha non. Dati gwapong gwapo pa ako sa kanya, ngayon pumanget na yata siya sa paningin ko. Wala akong pakealam kung di niya ako gusto. Dati ko nang tanggap yun. Oo tanggap ko na talaga yon matagal na. Tsk!
"I don't like you anymore..." Wala sa sariling naibulong ko. Nasa room na ako ngayon at hindi ko alam kung paano ako nakarating dito basta naglakad lang ako gamit ang paa ko. (Alangan namang kamay.)
"Di maka get over brad? Di naman masakit noh? HAHHAHAHAHAH." biglang sulpot nanaman ni Haedine. Bakit ba laging sulpot ng sulpot ang babaeng 'to? At teka, hindi raw sya papasok pero bakit nandito siya ngayon sa room?
Napataas naman ang isang kilay ko bago ko siya nilingon. "Akala ko ba tinatamad ka pumasok? E, anong ginagawa mo dito ngayon?" Napakamot naman sya sa ulo sa naging tanong ko.
"My brother talked to me. Kailangan ko daw magpakatino HAHAHAH."
Napaka masiyahin naman ng babaeng 'to, kanina pa 'to tawa ng tawa eh mukhang hindi nauubusan ng tawa. "Oo mukhang kailangan mo nga'ng magpakatino kasi pansin ko lang kanina kapa tawa ng tawa eh, mukhang hindi maganda yang takbo ng utak mo." Umiiling na sabi ko.
Tumawa lang ulit sya sa sinabe ko. Baliw talaga ang babaeng 'to baka nakatakas 'to sa mental kaya napapariwara yung buhay.
"Hoy! Abnoy na babae dika man lang nanghintay? Nagmamadali kang pumasok? Ano excited kang makita si Vincent?" Nagulat naman ako sa biglang pagsigaw ni Macy papalapit na sa upuan namin. Agad naman akong binatukan ni Milca.
"Aray naman Ellery! Nasaktan na nga ako eh, dinagdagan mo pa." Reklamo ko. Pinandilatan naman ako ng mata neto saka naupo sa harap ko.
"Anong eksena nanaman yung naganap sainyo ni Vincent kanina? Nakita namin yon." Si milca.
"Excited ka masyado eh, hindi mo man lang kami nahintay hindi tuloy namin nakita yung moment nyo." Pang aasar naman ni Sacha.
"Mga tangek, wala lang yun ang babagal nyo kasi kaya nauna nako baka malate pa tayo sa klase pag hinintay ko kayo."
"Ay wala na'to mga sis, friendship over na. Nag sisekreto na satin." Nakangiwing sabe ni Macy sabay harap sa dalawa.
"She's broken." Napatingin naman kami sa biglang pagsalita ni Haedine. Kunot noo ko syang tinignan. "Am I right? Your crush didn't like you he said that awhile ago."
"Seriously?! Sinabe ni Vincent yon?" Gulat na tanong ni Macy.
"Bingi ka sis? Sinabe nga daw eh." Angil ni Milca.
"Tangek, intindihin mo nalang nasa pilipinas tayo eh. Ganyan talaga pag pure filipina." Natatawang sabat ni Regine.
"Nakakatawa yun Regine?"- Macy.
" Hindi, kaya nga hindi kayo tumawa eh."
"So binusted ka pala ng crush mo sis?" Natatawang tanong ni Milca sakin.
"Hindi, hindi ko naman sya nililigawan kaya paano nya ako bubustedin?"
"Nag jojoke ka? Guys support natin." Sabe ni Milca at nagtawanan naman silang tatlo.
"Bat kasi napaka chismosa nyo? Manahimik na nga lang kayo pag may nakarinig pa sainyo lalagyan ko ng packing tape isa isa yang bibig nyo." Reklamo ko sabay iwas ng tingin. Nagtawan nanaman sila kahit wala namang nakakatawa. Nahawa na yata sa kabaliwan ni Haedine.
"Hi sis ako nga pala si Sacha Regine Oler, pinaka maganda sa grupo namin." Pakilala ni Regine kay Haedine.
"Hi, I'm Macy Joy Guerrero pinaka sexy sami'ng apat." Maarteng pakilala naman ni Macy.

BINABASA MO ANG
Love The Rain (Sassy Ladies) - Series #1 | On Going
Teen Fiction"Rain is not only drops of water. It's the love of the sky for the earth. They never meet each other but sends love this way." "I am your Rain and you were my world, catch me when I fall." - Jessa Rain Flores "How could I hate the rain when it falls...