CHAPTER 5

54 6 3
                                    

Malakas na bumukas ang pinto at iniluwa nito si Macy na kanina pa namin hinihintay. Hindi ko maipaliwanag ang itsura niya kaya nagtataka kaming napatingin sa kanya.

"Antagal mo naman, bakit ngayon ka lang?" Takang tanong ni Regine.

"Oo nga saka bakit ganyan ang mukha mo?" Nagtatakang tanong ko din. Inilapag niya ang mga dala niyang pagkain bago humarap samin. Nagulat kami ng bigla nalang siya humagolgol sa harapan namin kaya nagtataka kaming nagkatinginan. Naguguluhan kami sa iniasta ni Macy.

"H-hoy! Anong nangyari?" Nag aalalang tanong ko. Nag angat naman siya ng tingin samin at parang bata'ng pinunasan ang luha niya.

Pinakalma niya muna ang sarili bago ikinuwento samin ang nangyari.

"HAHAHAHHAHAHAHAHAHAHA." malakas na tawanan namin pagkatapos mag kwento ni Macy Joy tungkol sa nangyari sa kanya. Para naman siyang baliw na umiiyak.

"Sis, ano'ng virginity lips ang pinagsasabe mo jan?" Natatawang tanong ni Regine. Hindi kasi maka get over sa 'virginity lips' daw kuno si Macy Joy.

"Kasi nga diba? Virgin pa yung lips ko at wala pang experience kaya naiiyak talaga ako dahil nakuha lang ito ng basta basta ng unggoy na 'yon?" Naiiyak padin na sagot nito.

"Ayan karma na yan. Hilig mo kasing mang prank diba? Sa dami ng fans mo, napagtripan ka din tuloy." Natatawa namang sabi ko. Mas sumama lalo ang kaniyang mukha.

"Ngayon alam mo na ang pakiramdam nang pinagtitripan?" Ani Milca. Natatawa din sa kaniya.

"Hindi naman ako ganun mang prank eh. Yung pag paprank nila ay kabastusan! Kakasuhan ko ang sean na yon ng rape!"

Mas lalo kaming natawa sa kaniya. Siraulo talaga, nahalikan lang naging OA na masyado.
"Sis, huwag ka'ng assuming. Hinalikan ka lang pero hindi ka nagalaw." Tumatawa paring ani Regine.

"Ano gwapo ba?" Pagbibiro naman ni Milca.

"Mukhang magkaka lovelife kana niyan." Pang aasar ko din.

"Alam niyo, mahal na mahal niyo talaga ako e noh? Ang dami niyong naitulong promise. Napagaan niyo ng sobra yung nararamdaman ko. Tunay na kaibigan nga talaga kayo." Sarkastikong sabi niya kaya nagtawanan nanaman kami.

"So ano pala guys? Papasok ba tayo ngayon?" Pag iiba ko ng usapan. Bigla naman silang nagseryoso.

"Hmmm...kayo bahala." Ani Regine.

"Ayoko muna, nababadtrip ako at wala pa ako sa mood para pumasok." Nakangusong sabi naman ni Macy.

"Pwede niyo naman akong iwan dito, medyo ok naman na ang pakiramdam ko." Sabat naman ni Milca kaya napatingin kami sa kaniya.

"No, hindi ka namin iiwan." Ani Macy?

"Yeah, friendship goals." Regine agreed.

"Corny niyo. Hahahahah." Sabe ko naman. At natawa naman sila.

"Edi 'huwag na ulit tayo pumasok." Natatawang ani Macy.

"Baka naman pagalitan na kayo ng mga instructor niyo nang dahil sakin." Malungkot na sabi naman ni Milca.

"Hindi 'yan, nagpaalam naman na kami kaya ok lang. Maiintindihan naman nila." Sabat naman ni Regine. Tango nalang ang naging sagot namin ni Macy na sumasang ayon sa sinabi niya. Nagsimula na kaming kumain at pagkatapos ay pumasok ang doctor ni Milca. Pinaliwanag niya dito ang dapat at hindi dapat gawin. Marami pa silang pinag usapan kaya pinalabas muna kami dahil wala siyang relatives na pumunta dito. Hindi rin namin alam kung bakit nga ba wala sina tito at tita, hanggang ngayon ay ipinagtataka parin namin kung ano ba ang nangyari sa pamilya niya.

Love The Rain (Sassy Ladies) - Series #1 | On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon