"Talagang magkukulong kana lang Dito?" Kunot noong tanong ni Macy pagpasok Niya sa kwarto ko.
Simula Kasi nang maalala ko ang katangahang ginawa ko ay nagkulong nalang ako sa kwarto. Wala na akong mukha na maihaharap kay Vincent. Ano ba Naman kasing katangahan yung naisip ko. Nakakahiya talaga yun.
"Macy Wala na akong mukhang maihaharap kay Vincent." Nakasimangot na sagot ko. Talagang hindi ko na kaya pang magpakita sa kanya kaya kung pwede lang ay Gawin ko Lahat ng possibleng Gawin para lang maiwasan siya ay gagawin ko.
"Prend, ayaw mo non? Kayo na Diba? Bat ka pa mahihiya?" Natatawang sabi Niya. Tumabi Siya sa pagkakaupo ko sa kama at nginisihan Niya ako ng nakakaloka.
"Sige mang asar ka pa." Inis ko siyang hinampas ng unan na agad Niya namang naiwasan. Natatawa na Siya ng tumingin ulit Sakin. "Bakit Kasi hindi niyo man lang ako pinigilan? Kaibigan ko ba talaga kayo?" Sumbat ko, malapit nang maiyak.
"Aba, nanisi pa nga." Napatingin kami sa kakapasok lang na si Regine. Lumapit Siya samin at sumampa sa kama para humarap samin ni Macy. "Pinahirapan mo nga kami eh tapos nagrereklamo ka Ngayon? Kasalanan ba Namin na nalasing ka?" Dagdag pa Niya.
"Ano nang gagawin ko?" Nanlulumo akong napatingin sa mga daliri ko, nilalaro ko iyon nagbabakasakaling mabawasan yung kahihiyan na nararamdaman ko.
"Well, harapin mo yan prend. Choice mo Naman yan eh." Diretsong sabi ni Macy kaya napaangat Naman ang tingin ko sa kanya.
"Seryoso ka jan? Lasing ako non, Malay ko ba kung Anong lumalabas sa bibig ko." Inis na sabi ko. Nagkatinginan sila ni Regine bago nagpakawala ng malakas na tawa. Napasimangot nanaman ako. Ano nga bang aasahan ko na magandang advice sa dalawang to?
"Oh Sige Pano mo Ngayon haharapin yan? Iiwas ka nalang ng iiwas pagkatapos mo Siya landiin?" Diretsong sabi ni Macy na ikinalaki ng mga mata ko.
"Macy hindi ko Siya nilandi!" Agad na depensa ko. Hindi Naman talaga eh.
"Eh, Anong tawag mo don harot harot lang?"
"Lasing nga ako ok?" Napabuntong hininga nalang silang dalawa. Umiwas ako ng tingin bago kami natahimik saglit. Nabasag lang ang katahimikan ng magsalita ulit si Regine.
"Hindi habang Buhay maiiwasan mo yung tao sis, lasing ka man o hindi, Wala ka nang magagawa Kasi nangyari na eh. Harapin mo nalang yung consequences, wag mong tatakasan Kasi habang tinatakasan mo yun, mas lalo lang ilalapit sayo yon." Seyosong sabi ni Regine. Napaisip Naman ako sa sinabi Niya.
Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa frustration. Bakit nga Kasi nangyari to? Bakit Kasi umuo Siya? Pwede Naman Siyang tumanggi at sabihin kung Anong tototo eh.
"May point si Regine prend." Pag sang-ayon ni Macy.
"Haiisst!--" natigil ako sa akmang pagsalita nang biglang bumukas yung pintuan ng kwarto ko kaya napako ang paningin naming tatlo doon. Pumasok Naman kaagad si John na mukhang nag aalala. "Oh?" Tanong ko.
"Uhh...yung parents mo nandito." Sabi Niya Sakin. Nanlaki Naman ang mga mata ko dahil sa narinig.
10am na nga pala ng umaga at medyo maayos na ang panahon dahil wala ng bagyo, dapat Ngayon aalis sina Vincent at hinihintay ko lang yun bago bumaba pero dahil nandito ang parents ko, mas lalo akong na stress. Hala, Pano na to?
"Kararating lang?" Malumanay na tanong ko.
"Yeah. And..." Hindi madugsungan ni John ang sasabihin. Kumunot Naman ang noo ko. "Nevermind." Napakamot Siya sa batok.

BINABASA MO ANG
Love The Rain (Sassy Ladies) - Series #1 | On Going
Teen Fiction"Rain is not only drops of water. It's the love of the sky for the earth. They never meet each other but sends love this way." "I am your Rain and you were my world, catch me when I fall." - Jessa Rain Flores "How could I hate the rain when it falls...