CHAPTER 7

30 3 0
                                    

Linggo ngayon at naisipan ko'ng mamili sa labas ng street food. Wala akong kasama dahil busy sa pag aaral si Milca at Macy. May activity kasi kami sa OOP na subject namin at kailangan ng maipasa bukas. Pinapakopya ko naman sila kaso mas gusto nilang mag code ng sarili nila para naman daw hindi unfair sakin, si regine naman ay nagrereview din dahil may oral recitation sila bukas at si Haedine ay wala naman sa bahay kaya mag isa nalang akong lumabas dahil kanina pa ako nag c-crave ng street foods. Trip kong mag commute kaya hindi na ako nagdala ng kotse malapit lang naman kaya ok lang. Sa pinakamalapit na tindahan ng street foods ako nagpahinto at dali daling tumakbo papalapit dito.

"Manong 20 pesos nga po nito." Itinuro ko yung siomai at naghintay sandali. Nang iabot na sakin ni manong yung siomai ay agad ko itong kinain kahit pinagtitinginan ako ng mga tao na malapit doon. Bakit ba nila ako pinagtitinginan?

Naubos ko na ang siomai at kulang padin kaya bumili ulit ako ng another 20 pesos. Hindi parin naalis ang mga matang kanina pa sulyap ng sulyap sakin. Ano bang problema nila?

"Ehem! Manong may dumi po ba ako sa mukha?" Tanong ko sa tindiro habang ngumunguya. Na cu-curious na kasi ako sa mga tumitingin sakin eh kaya hindi na ako nakatiis na magtanong.

"Naku, wala ho ma'am. Ang kinis nga po ng mukha niyo eh." Nakangiting sagot ni manong. Muntik pa akong masamid dahil sa sinabi niya. Sanaol makinis.

"Ganun po ba? Hehe. Eh, bakit po ako pinagtitinginan ng mga tao dito?" Medyo nahihiyang bulong ko para kami lang ni manong ang makarinig.

"Ganyan talaga ang mga tao dito ma'am. Masanay kana dahil hindi lang sila sanay na makakita ng isang maganda at mayaman na bimibili ng ganitong pagkain dito. Kahit ako nga po nagtataka dahil namili kayo ng paninda ko samantalang ang ibang mga kagaya niyo na mayaman ay hindi pinapansin ang ganitong klase ng pagkain." Nakangiting paliwanag ni manong. Napamaang naman ako dahil sa naging sagot niya.

"Hindi naman po ako mayaman manong at pwede ho ba'ng wag niyo na akong tawagin na ma'am? Medyo angat lang po ang buhay namin pero dumaan din po kami sa hirap. Tsaka, paborito ko po ang mga ganitong uri ng pagkain." Nakangiting sabe ko naman. Biglang lumiwanag ang mukha ni Manong at tila hindi alam kung ano ang sasabihin. "Heto po yung bayad ko." Iniabot ko ang isang libo at nagulat naman siya. Nag aalinlangang naghalungkat siya sa kaniyang wallet pero agad ko rin siyang pinigilan.

"Sainyo na po yung sukli." Nakangiting sabe ko. Nagulat pa lalo siya at hindi makapaniwalang tumitig sa akin.

"Pero iha, napakalaking halaga nito."

"Ayos lang po yan manong, alam ko pong pagod na kayo sa pagtitinda at kailangan nyo po talagang kumita. Pasensya na ho iyan lang muna ang kaya ko'ng ibigay. Huwag po kayong mag alala dahil sa susunod ay mas malaki pa jan ang ibibigay ko sainyo."

"Naku, iha sobra na ito maraming salamat. Pagpalain ka sana ng panginoon."

"Walang anuman po manong. God bless you more." Nakangiting tugon ko at akma ng tatalikod ng biglang may naapakan akong paa sa likuran ko na ikinagulat ko.

"Ouch!" Sigaw niya at napatalon pa. "How many times do I have to tell you Flores, that you should be careful with your actions?! Huh?" Ayan nanaman siya sa mga pa english english niya. Alam niyo na siguro kung sino nanaman to? No need to tell you.

"Sorry." Walang ganang sagot ko at tinalikuran na siya. Hindi pa man ako nakakahakbang papalayo ay nagsalita nanaman siya.

"Kababaeng tao bastos kausap." Bulong niya at dali daling humarap kay manong. Biglang uminit at kumulo ang dugo ko dahil sa sinabi niya. Dali dali akong humarap sa gawi niya para pagtarayan siya.

Love The Rain (Sassy Ladies) - Series #1 | On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon