Nagising ako na madilim na ang paligid. Dali dali akong bumangon at isinara ang kurtina ng bintana ko. Pagkatingin ko sa orasan ay pasado alas syete na. Apat na oras pala akong nakatulog. Cheneck ko ang phone ko at nakita ko kaagad ang messages Nina Macy at Regine, tinatanong kung OK lang ba ako. Naguilty naman kaagad ako dahil sa pinakita ko sa kanila kanina. I should be patience. Hindi dapat ako mag mukhang immature sa harap nila.
Inayos ko muna ang sarili ko bago napag desisyunang bumaba. Sakto pagkababa ko ay nasa sala ang boys samantalang nag aasikaso sa kusina ang girls. Dumiretso ako sa kusina at Hindi pinansin ang maingay na boys.
"Buti naman bumaba kana, sakto kakain na tayo." Bungad sakin ni Macy habang naglalagay ng kanin.
"Kamusta sis? OK ka lang ba?" Tanong ni Regine sakin. Tinanguan ko lang siya sabay ngiti para Hindi siya gaanong mag alala.
"I'm sorry for what happened earlier, I already scolded Maxwell." Sinserong panghihingi ni Haedine ng paumanhin. Nginitian ko lang siya.
"It's OK, Hindi mo kasalanan yun." Sagot ko. Mabait naman siya sakin pero Hindi ko parin magawang kaibiganin siya. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng ganito, alam kong Mali pero ewan ayoko lang talaga.
Tumulong nalang ako sa kanila para ihain ang mga pagkain at pagkatapos ay tinawag na nila ang boys. Ang set up namin ay nasa dulo si Taylor kasunod si John, Spencer, Franz at Vincent, kaharap niya naman si Haedine na nasa dulo, followed by Regine, Macy at Ako na kaharap si Taylor. Pare-pareho lang kaming tahimik habang kumakain tanging ang ulan at malalakas na hangin lang ang naririnig naming ingay sa labas. Ang awkward masyado ng atmosphere, hindi ko kaya yung ganito.
"Bat ang tahimik niyo?" Binasag ko ang katahimikan kaya napaangat sila ng tingin sakin maliban Kay Taylor at Vincent na www alang pakealam sa paligid.
"Oo nga naman hehe." Awkward na sagot ni Macy. Napatikhim nalang din sina Spencer, John at Franz sabay nagsingisihan ang mga timang. Pare pareho yata yung takbo ng mga utak nila.
"Nakakahiya mag ingay eh." Kunwaring sagot ni Spencer.
"Bago yata sa pandinig yun pre." Panlalaglag ni Franz at sinamaan naman siya ng tingin nito.
"Alam niyo bagay kayo, baka kayo magkatuluyan niyan." Pang aasar naman ni John sa dalawa.
"Eww kilabutan ka nga John baka ikaw yung may pagnanasa dito Kay Franz ah." Nandidiring sagot ni Spencer. Natawa nalang kami nila Regine at Macy sa kanila habang ang tatlo ay wala pa di'ng kibo.
"Putcha! Di niyo sinabe mga bakla na pala kayo. Nakakatakot tuloy tumabi sainyo mamaya." Kunwaring kinikilabutan na sagot naman ni Franz.
"Speaking of matutulog, saan pala tayo matutulog?" Nagsalita na si Taylor na ikinalingon namin sa kanya.
"Saan pa? Edi sa guest room, malaki naman ang kama don ah kasya naman siguro tayong lima." Natatawang sagot ni Spencer, napaisip din ako sa sinabi niya.
"Ayokong Makatabi ka bro." Reklamo ni Franz.
"Sino gusto mo makatabi si Haedine?"
"Ogags!"
"Kay MJ ako tatabi ayoko sainyo mga bakla kayo." Reklamo naman ni John.
"Duhh! Mamaya gapangin mo pa ako Jm, gosh! Di pa ako handa no wala pa akong practice sa mga ganyan." Mabilis na sagot ni Macy na ikinahalakhak nina Spencer at Franz.
Siraulong babae 'to parang hindi lalaki yung kausap eh.
"Huyy yang bunganga mo Mj ah, wala akong interes sayo kilabutan ka nga." Napapangiwing sagot ni John.

BINABASA MO ANG
Love The Rain (Sassy Ladies) - Series #1 | On Going
Novela Juvenil"Rain is not only drops of water. It's the love of the sky for the earth. They never meet each other but sends love this way." "I am your Rain and you were my world, catch me when I fall." - Jessa Rain Flores "How could I hate the rain when it falls...