CHAPTER 24

23 1 0
                                    

"JESSAAAAA!!!"

Napaubo ako ng ilang beses nang maramdaman kong medyo nakahinga na ako. Nang magdilat ako ng paningin ay medyo umiikot pa ang paningin ko. Hindi ko malinaw na makita kung sino-sino ang mga taong nakadungaw sa akin. Hala! Patay na ba ako?

"Prend hoy! Wag mo naman kami takutin!" Dinig kong sabi ni Macy at tinatapik tapik pa ako sa mukha. Bakit parang nag iiyakan sila? Mamamatay na ba ako?

"Josh buhatin mo yang kapatid mo dali dalhin mo sa room!" Si mamay yun ah. Ang ingay ng paligid parang lahat sila ay nagpapanic. Unti unti kong naramdaman na parang lumulutang na ako sa hangin. Hala! Aalis na ba sa katawan ko yung kaluluwa ko? Oh no! Huwag naman ngayon Lord hindi pa kami nag mo-monthsarry ni Vincent. Magpapakasal pa kami at gagawa ng masayang pamilya!

Teka, bakit ba kasi hindi ako makagalaw? Wala din akong nakikitang malinaw na mga tao sa paligid ko? Narerecognize ko lang sila once I heard their voices. Nasaan na ba sila?

Mayamaya lang ay naramdaman ko na na parang may tumutulong tubig sa katawan ko. Nasa purgatoryo na ba ako? Waaaaaait! Mamay I'm alive paaaaa!

"Mamaaaaay!"

"Hoy Jessa!" Malakas na sampal ang nakapag pagising ng diwa ko kaya napabalikwas ako ng bangon at agad na napatingin sa paligid ko. Bumungad kaagad sa mukha ko ang malaking mukha ni Mamay. Luhh! Nakakatakot!

"N-nananaginip lang po ako may? Wala ako sa purgatoryo?" Agad na tanong ko. Ramdam ko pa ang lakas ng kaba ko at ang pagtagaktak ng pawis ko.

"Grabe ang lakas talaga ng epekto ng alak sayo Jessa hanggang sa panaginip mo ba naman sinusundan ka ng nightmare!" Napapailing na sabi ni Mamay.

"Anong nangyari?" Wala sa sariling sambit ko. Natulala pa ako at parang hindi pa nag pa-function ng mabuti ang utak ko.

"May hang over ka. Alas kwatro na nang hapon at nakauwi na yung mga kaibigan mo pati si Vincent. Next time huwag kana iinom kapag hindi mo naman kaya, muntik na akong atakihin sa puso sayo kagabi. Alam mo ba kung wala si Milca ay baka tuluyan kana ngang nasa purgatoryo ngayon?" Nanlaki ang mata kong napatingin kay mamay. I can sense na parang sinisermonan niya ako ngayon. Niligpit niya ang kalat ng kwarto dito sa hotel room ko at pinatay ang aircon. "Jusko! Akala ko kung napano kana. Si Vincent naman  natulala na nang makita yung kalagayan mo, ni hindi na siya nakakilos. Natauhan lang siya nang i-cpr kana ng kuya mo at dinala dito sa room niyo." Napahawak sa ulo si mamay na para bang frustrated na siya sa nangyari. "Nagising ka nga, lasing na lasing ka naman. Pinaliguan pa kita dito at binihisan. Dahil yung mga babae mong kaibigan ay mga lasing na din, si Vincent nalang ang pinagbantay ko dito sayo." So kaya pala kasama ko siya dito nung nagising ako kaninang madaling araw. "Imbes na mag enjoy ako sa party, na stress pa ako dahil si Yash naman lasing na lasing din at nag iiyak na daw sa 5th floor. Hindi ako nahilo sa alak, nahilo ako kakaakyat baba sa floor niyo." Pagkukwento pa ni Mamay.  Halata nga dahil haggard na haggard Pa siya ngayon.  Hala! Nakakahiya pala kami kagabi!

"Sorry may." I smiled awkwardly at nag peace sign.

"Don't do it again next time Jessa. Oh siya, tumayo kana jan at umuwi sa bahay dahil ipapalinis ko na itong kwarto. May bisita na bukas na dadating." I just nodded at bumaba na sa kama. Kinuha ko na lang ang cellphone ko sa side table at sumunod kay mamay palabas ng room.














"Oh nandito kana pala akala namin hindi ka uuwi ngayon eh." Bungad ni Regine nang madatnan ko siya sa sala na nanunuod sa netflix. Pagkauwi ko kasi sa bahay kanina ay kaagad akong naligo at nagpaalam kay mamay na uuwi na dito sa Balanga. As usual, hindi ko nanaman naabutan si Papay dahil for sure ay nasa work na ulit yun.

Love The Rain (Sassy Ladies) - Series #1 | On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon