Jessa Raine
"Prrrrrrrrrrrrrtttttttttttttt!!!!"
Tunog ng pito yan, wag kang ano. -, -Nasa volleyball court kami ngayon at nag papractice kami for the upcoming microlympics.
"Mine! Mine!" Sigaw ni Macy. Saktong nakuha nya yung serving ng bola at tinoss bigla, senyales na kailangan kong i-spike ang bola at mabilis akong kumilos upang magawa ang nasa isip ko. Hindi naman ako nabigo dahil nung nakakuha ako ng timing ay agad ko itong pinalo ng malakas na agad namang tumama sa--- Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin kung Saan tatama ang bola.
"Ouch!" Sigaw nung tinamaan. Sapul sa mukha nya yung bola kaya napaupo sya sa sahig at napahawak sa ilong nya. Natigilan kaming Lahat at kinabahan kaagad ako sa nakita.
"Omg!" - Mitch.
"Oh my gosh!" - Kelsey.
"Oh my g!"- Darcy.
" Hala si Vincent!" - sigaw ni Regine sabay takbo papalapit sa tinamaan ko ng bola. Sumunod naman sa kanya sina Milca, Macy at Kallen.
Agad naman akong kinabahan at dali daling lumapit sa teammates ko na pinagkakaguluhan na si Vincent.
"Tissue!" Sigaw ni coach. "Guys, I need tissue! Dumudugo yung ilong ni Vincent!" Dagdag nya pa. Inalalayan Niya si Vincent na nakaupo sa floor, habang nakahawak sa mukha nito.
Aligaga naman akong tumakbo papunta sa upuan kung nasaan nakalagay yung bag ko. Agad kong kinuha yung tissue ko at tumakbo ulit pabalik sa puwesto nila.
"Coach ito po!" Sabay abot ko ng tissue.
Dahan dahan namang pinunasan ni coach ng tissue yung dumudugong ilong ni Vincent habang nakakunot yung noo. Hala! Napalakas nga ata talaga yung pagpalo ko ng bola. Mukang malalagot ako nito kay coach at mas lalo na sa Vincent na'to. Bakit nga ba kasi nandito sya? Eh class hour ngayon. Wala dapat estudyanteng nandito maliban sa aming mga players."Flores, what do you think you are doing huh?!" Biglang sigaw ni Vincent nung makarecover na sya. Tumayo pa Siya at humarap sa akin. Gulat naman akong napatingin sa kanya at mas nagulat pa ako nang makitang galit na galit sya'ng nakatingin ng diretso sakin. Hala! Lagot na.
"I-I'm s-sorry Vincent, h-hindi ko sinasadya." Nauutal kong paumanhin. Nakatingin naman sakin lahat ng teammates ko at mukhang walang tutulong sakin upang magpaliwanag. Including my friends.
" Really?! Naturingan kang varsity player pero dika marunong mag control ng bola? Anong klaseng player ka? Dimo ba naiisip na baka may dumaang estudyante dito sa court at matamaan mo gaya ko? Matalino ka naman pero dika nag iisip! Hindi porket mvp ka ay pwede ka nang magyabang! Umayos ka dahil hindi lahat natutuwa sayo, lalo na ako!" Mabilis na sigaw nya habang papalapit sa gawi ko. Napaatras tuloy ako dahil sa lapit ng mukha nya. Hindi ko alam kung pano ako sasagot dahil sa tindi ng galit Niya. Hindi ko Naman sinasadya eh.
"Pwede bang wag kang sumigaw?" Iritado kong sagot na salubong ang kilay. Nilakasan ko pa ang loob ko kahit kinakabahan ako.
"Eh ano'ng gusto mo bumulong ako?"
"Tangek! Ang lapit lapit mo na nga eh sisigaw kapa! Hindi ako bingi okay?"
"Tsk. Bakit ba anong pakealam mo?"
"Ang baho kasi ng hininga mo!" Sigaw ko nang Wala na akong maisagot.
"HAHAHAHHAHAHAHHAHAHA" tawanan ng mga supportive ko'ng kaibigan. Napapikit ako sandali dahil sa kahihiyan. Bat ko ba sinabi yun?
Mas lalo namang lumiyab sa galit si Vincent dahil sa sinabe ko kaya agad nya akong hinawakan ng mahigpit sa magkabilang braso. Halos bumaon ang kuko niya sa mga braso ko sa sobrang higpit ng pagkaka kapit nya dito. (Wow! Sanaol mahigpit yung kapit)
BINABASA MO ANG
Love The Rain (Sassy Ladies) - Series #1 | On Going
Ficțiune adolescenți"Rain is not only drops of water. It's the love of the sky for the earth. They never meet each other but sends love this way." "I am your Rain and you were my world, catch me when I fall." - Jessa Rain Flores "How could I hate the rain when it falls...